PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

PART 2: Bong Revilla is satisfied with Panday 2's current box-office standing

The senator, actor, and movie producer said the next Panday movie will be in 2013.
by Ruben Marasigan
Published Dec 29, 2011
"Sa ngayon, we're number two. But it's a close fight. Kumbaga, lumalaban-laban pa rin. Pero ang importante rito, masaya ang Metro Manila Film Festival," asserted Senator Bong Revilla about his movie Panday 2's current box-office standing.

Kahapon, December 28, mula mismo kay Metro Manila Film Festival (MMFF) Executive Chairman Francis Tolentino ay inilabas na ang three-day gross earnings ng mga pelikulang entries sa festival.

Nangunguna sa labanan sa takilya ang Enteng Ng Ina Mo nina Vic Sotto at Ai-Ai de las Alas, pumapangalawa ang Panday 2, at pumapangatlo ang Segunda Mano. (CLICK HERE to read related story.)

Hiningan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ng reaksyon ang Panday 2 lead star and producer tungkol dito.

"I would like to congratulate Vic Sotto and Ms. Ai-Ai for being the number one nitong Metro Manila Film Festival.

"Kumbaga, at least yung pelikula natin, doing very well din.

"Sa ngayon, we're number two. But it's a close fight.

"Kumbaga, lumalaban-laban pa rin.

"Pero ang importante rito, masaya ang Metro Manila Film Festival.

"Natural lang na may mga intri-intriga.

"Basta ang importante, huwag mag-away-away, dahil pelikula lang ito.

"Kumbaga, ang hangad ng lahat ay mapaganda ang pelikula ng bawat isa," banggit pa ni Bong.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Satisfied na rin naman daw siya sa performance sa takilya ng Panday 2.

"Of course! Yung turnout ng Panday 2, kumbaga this one is stronger than Panday 1. Talagang marami rin ang nanood.

"At siyempre ang kalaban ko, dalawa, e—Vic at Ai-Ai. So, talagang dalawang higante 'yon.

"Tayo naman, may mga kasama rin tayo. Pero siyempre, iba yung king and queen ng comedy na kalaban mo.

"Pero ang importante, as I've said, masaya lahat.

"Itong Pasko, maligaya tayong lahat. At sana'y maging masagana ang Bagong Taon nating lahat."

OPEN TO BONG-AI-AI TEAMUP. Dahil pumatok nga sa takilya ang kumbinasyong Vic-Ai-Ai, may posibilidad kayang sa susunod na festival naman ay Bong-Ai-Ai naman?

"Antayin na lang natin yung mga panahon. Channel 2 siya. Ako, Channel 7.

"But, as I've said, open tayo kung anuman yung mga ano," sagot ni Bong.

NEXT PANDAY MOVIE. Pasintabi sa mga manonood pa lang ng Panday 2 at medyo spoiler ito, pero may hint kasi sa ending ng pelikula na may susunod nang Panday.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

May bagong kontrabida kasing lumabas sa ending ng pelikula, na ginampanan ni Lorna Tolentino.

Kinumpirma naman ito ng ng senador, aktor, at movie prodyuser.

"Tuloy ang Panday 3. Pero 2013 iyon.

"Ganun kahaba ang preparasyon namin for every Panday. Hindi pupuwedeng every year.

"Every other year," wika pa nito.

Wala bang planong makasa rin ang misis niyang si Congresswoman Lani sa susunod na Panday?

"Meron kaming pinaplano na comedy movie na pagsasamahan namin.

"Antayin nyo na lang. Sorpresa 'yon.

"Remember yung ginawa namin noon na Walang Matigas Na Pulis Sa Matinik Na Misis?

"So, abangan nyo, gagawa ulit kami ng gano'n," nakangiting bilin pa ng Caviteñong aktor at pulitiko.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Sa ngayon, we're number two. But it's a close fight. Kumbaga, lumalaban-laban pa rin. Pero ang importante rito, masaya ang Metro Manila Film Festival," asserted Senator Bong Revilla about his movie Panday 2's current box-office standing.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results