Governor Jeorge "ER" Ejercito not satisfied with 11 MMFF awards for Asiong Salonga: "Nabitin yung isa, e—yung best actor!"

Ruben Marasigan
Friday, December 30, 2011 @ 02:28AM  |  17840 views

"Labing-isang award lahat-lahat ang napanalunan ng Asiong Salonga," ang masayang balita ni ER Ejercito, na siyang bida ng pelikula.

 

Dagdag hirit nito habang nakatawa, "Kaya lang, nabitin yung isa, e. Yung best actor!"

Photo By: Sany Chua













Bago nangyari ang bigayan ng mga parangal sa katatapos lang na 37th Metro Manila Film Festival (MMFF), nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang lead star ng Manila Kingpin: The Asiong Salonga Story na si Jeorge "ER" Ejercito.

Bakas sa mukha ng gobernador ng Laguna ang excitement pagbungad pa lang sa lobby ng Newport Performing Arts Theater sa Resorts World Manila, Pasay City, noong December 28.

Matunog daw kasi ang pelikula niya para sa Best Picture award at ang kanyang pangalan para naman para sa Best Actor category.

"Well, ako'y natutuwa dahil sa paghihirap at pagpupuyat namin ay talagang pinilit po nating makagawa ng isang quality film.

"At ako'y natutuwa rin dahil ang Cinema Evaluation Board ay binigyan po tayo ng Rated A."

CEB'S RATING. Ang Cinema Evaluation Board (CEB) ay ang film-evaluation body ng government agency na Film Development Council of the Philippines (FDCP).

Ang trabaho ng sangay na ito ay i-review at i-rate ang "quality" ng local films.

Lahat ng pelikulang makakakuha ng "Rated A," ang pinakamataas na grado ng CEB, ay may 100 percent tax reward mula sa makukolektang amusement tax sa mga lungsod at lugar sa Pilipinas kung saan lumabas ang pelikula.

Bukod sa Asiong Salonga, binigyan din ng Rated A ang Segunda Mano nina Kris Aquino at Dingdong Dantes.

"Masaya rin po ako sa mga very good at positive reviews, lalo na sa Internet na puro four stars ang ibinibigay sa Asiong Salonga," patuloy pa ng action star.

Ang irony lang dito ay tinanggihan ng direktor ng Asiong Salonga, si Tikoy Aguiluz, ang credit bilang direktor dahil sa away nito kay ER at sa prodyuser.

Tingin ng direktor, hindi siya nirespeto ng mga ito nang magpa-reedit sila at magpa-shoot ng mga scenes nang wala siyang kaalam-alam at pahintulot.

Sa kalagitnaan ng alingasngas na ito, sinabi ni ER na mabagal ang editing at nasa mga prodyuser naman daw ang "last say." Sagot naman ni Direk Tikoy ay may "paternal rights" pa nga sa pelikula ang direktor saan mang bansa na nakakaintindi ng cinema.

(CLICK HERE to read related story.)

1  2  3  Next »

Related Articles

54 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name