news

Governor Jeorge "ER" Ejercito not satisfied with 11 MMFF awards for Asiong Salonga: "Nabitin yung isa, e—yung best actor!"

by Ruben Marasigan posted on December 30, 2011  STATS: 18682 Views | 54 Comments

"Labing-isang award lahat-lahat ang napanalunan ng Asiong Salonga," ang masayang balita ni ER Ejercito, na siyang bida ng pelikula.

 

Dagdag hirit nito habang nakatawa, "Kaya lang, nabitin yung isa, e. Yung best actor!"

Photo By: Sany Chua

Bago nangyari ang bigayan ng mga parangal sa katatapos lang na 37th Metro Manila Film Festival (MMFF), nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang lead star ng Manila Kingpin: The Asiong Salonga Story na si Jeorge "ER" Ejercito.

Bakas sa mukha ng gobernador ng Laguna ang excitement pagbungad pa lang sa lobby ng Newport Performing Arts Theater sa Resorts World Manila, Pasay City, noong December 28.

Matunog daw kasi ang pelikula niya para sa Best Picture award at ang kanyang pangalan para naman para sa Best Actor category.

"Well, ako'y natutuwa dahil sa paghihirap at pagpupuyat namin ay talagang pinilit po nating makagawa ng isang quality film.

"At ako'y natutuwa rin dahil ang Cinema Evaluation Board ay binigyan po tayo ng Rated A."

CEB'S RATING. Ang Cinema Evaluation Board (CEB) ay ang film-evaluation body ng government agency na Film Development Council of the Philippines (FDCP).

Ang trabaho ng sangay na ito ay i-review at i-rate ang "quality" ng local films.

Lahat ng pelikulang makakakuha ng "Rated A," ang pinakamataas na grado ng CEB, ay may 100 percent tax reward mula sa makukolektang amusement tax sa mga lungsod at lugar sa Pilipinas kung saan lumabas ang pelikula.

Bukod sa Asiong Salonga, binigyan din ng Rated A ang Segunda Mano nina Kris Aquino at Dingdong Dantes.

"Masaya rin po ako sa mga very good at positive reviews, lalo na sa Internet na puro four stars ang ibinibigay sa Asiong Salonga," patuloy pa ng action star.

Ang irony lang dito ay tinanggihan ng direktor ng Asiong Salonga, si Tikoy Aguiluz, ang credit bilang direktor dahil sa away nito kay ER at sa prodyuser.

Tingin ng direktor, hindi siya nirespeto ng mga ito nang magpa-reedit sila at magpa-shoot ng mga scenes nang wala siyang kaalam-alam at pahintulot.

Sa kalagitnaan ng alingasngas na ito, sinabi ni ER na mabagal ang editing at nasa mga prodyuser naman daw ang "last say." Sagot naman ni Direk Tikoy ay may "paternal rights" pa nga sa pelikula ang direktor saan mang bansa na nakakaintindi ng cinema.

(CLICK HERE to read related story.)

1  2  3  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

54 Comments

  • 54  JeepneyDriver

    12/31/2011 | 08:50 AM
    Parang si GMA pala ito, gusto niya zero yung kalaban..Kulang kasi bayad mo at intimidation mo.. . .atsaka mukhang hirap ka na sa aksyon, halatang hnihingal ka na sa trailer pa lang...
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 53  zereena

    12/31/2011 | 07:09 AM
    dyusme..di ka naman sikat at never naging sikat,siguro kung si piolo,derek,dennis ang naging bida pwede pa,pero ikaw???nagmamagaling naman ang bulateng eto,pasalamat ka dahil kiung walang word na estrada sa name mo di ka kilala...
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 52  PTnextdoor

    12/31/2011 | 03:06 AM
    Maganda ung acting ni Governor mas kapansinpansin ung pag arte nya. Dapt tingnan natin ung whole film at kung pano ginampanan ung character hindi dahil sa sikat sya o gwapo sya. Sumuri tayo base sa nakikita natin hindi sa popularidad lng.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 51  Jockinthepan

    12/30/2011 | 06:21 PM
    Halata namang courtesy of Kris ang award ni Dingdong. Imagine ang laki ng acting difference ni Ejercito sa kanya. Pero si Dong ang nanalo parin. Halatanga halata.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 50  kansilay

    12/30/2011 | 04:44 PM
    Masyadong maligalig nman ni Gov.,ang daming reklamo mula umpisa until now! Kumpara nman ky DD mas magaling nman acting nya sa SM my originality kya deserved nya maging best actor! Instead mag complain dapat be grateful ka na lng napansin din movie nyo! Pare pareho din nman kau nag invest para magbigay ng quality film! Nkakadismaya mga reactions nya npaka taklesa pla ni Gov.! Lolz...
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 49  GrammarNazi

    12/30/2011 | 04:00 PM
    to indiaherentta soar loser? wtf haha this made my day please learn how to type the grammar properly before critizing others this proves that you're the real loser regards, GrammarNazi
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 48  gmexico

    12/30/2011 | 03:30 PM
    Hindi naman lahat ng hindi pumabor sayo eh aawayin at idedemanda mo.Una si Mother Lily,si Carla,pati Kris damay tuloy si Dingdong,MMFF comittee at pati SQ!Yung simpatya ko nasa yu na eh,kaya parang bula na naglaho.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 47  gmexico

    12/30/2011 | 03:25 PM
    Governor you learned to eat a humble pie.You should know by now how to play showbiz and to market your movie dapat si Asiong lang ang matapang at tumitira ng kaaway.Walang kapupuntahan ang init ng ulo,kayabangan at katapangan para naman maengganyo ang manonood sa iyo at hindi masindak.Andun na eh nirecognize na ng festival and committee ang Kingpin wagas na ang momentum ng movie panira lang yung mga remarks mo wagas sa kahambugan!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 46  indiahenretta

    12/30/2011 | 02:23 PM
    It's Christmas, the birth of Baby Jesus. Governor Ejercito, please do not be a soar loser, do not be too selfish and arrogant. Be a GOOD SPORT! I think your movie is too violent for Christmas season. Merry Christmas, Governor.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 45  itsme444

    12/30/2011 | 12:06 PM
    Can somebody ask this trapo politician Ejercito where he got the money to finance his movies? Kickback from projects in Laguna?
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 44  saladboy

    12/30/2011 | 12:03 PM
    I don't even remember his other movies. For him to even expect an award? Aside from his famous last name and his political position, what's his list of movie credentials? talo pa niya si Erap or jinggoy mag-complain eh.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 43  saladboy

    12/30/2011 | 12:03 PM
    I don't even remember his other movies. For him to even expect an award? Aside from his famous last name and his political position, what's his list of movie credentials? talo pa niya si Erap or jinggoy mag-complain eh.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 42  kapusofave

    12/30/2011 | 11:46 AM
    YTT deserves the other awards!! kapal nito!kung di lang na disqualify ang YTT im sure mas konti awards nyo ngayon! instead na mag alburuto ka eh dapat MAGPASALAMAT ka pa! hay naku iba na talaga ang mga taong SAKIM!!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 41  kapusofave

    12/30/2011 | 11:42 AM
    di naman masyadong obvious na SAKIM tong tao to noh!! hello 11 awards na kaya nakuha nya dapat maging humle ka hindi maging hambog! kinukwestyon mo pa ang BEST ACTOR AWARD ni DD! with that, para mo na ring kinwestyon ang 11 awards ng movie mo! TBH, khit libre hindo ako manonood sa movie na ito dahil sa kayabangan ng bida na akala mo eh kagalingan! sana di ka na sumali next year!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 40  rom_05

    12/30/2011 | 10:27 AM
    ang ginawa ni Kris eh simpleng marketing alang naman hindi niya purihin at i bet ang pagkapanalo ni DD eh kasama niya sa movie. May artista na bang ngsabi na huwag nyong panoorin ang pelikula ko dahil walang kuwnta mga nakasama kung artista at recycled ever ang pelikula. Ikaw na Kris ang matindi ang convincing power kaya kahit ano ipinopromte nabebenta. Buti na lang di ako mahilig sa horror pero ayn sa mga nakpanood mas comedy nga raw. And ER kayo pa talaga ni Bong ang magbolahan. Best actor ka dyan. At kailan k pa narecognize s acting chops mo? Ur no Philip salvador, FPJ,Binoe or Rudy Fernandez. Nakakatakot na by next presidential election kayo ni Bong ang tatakbo. Mukhang yon ang palno kaya nagbabalik pelikula. Pinapalbas pa na may kumuha talga sa kanyng producer. mlamang sayo lahat galing ang pera. Sino namang syunga ang mgpoproduce ng movie na ikaw ang bida?? Lalo na at may pera namang pambayd ng artista. Kung si Binoe ang nagbida dito baka nag hit pa.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 39  yummyfruit

    12/30/2011 | 10:23 AM
    typical Filipino politician na pagnatalo, dinaya..hahahaha..nakalimutan yata hindi political arena ang showbiz. Besides, i will not spend my money para manood sa mukhang yan sa photo..hahaha..not pleasing
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 38  gmexico

    12/30/2011 | 09:58 AM
    An awards should put a person to be humble not to mallign other people.Ganap ka sa kayabangan mali ang kasabihang kung may ipagyayabang ka magyabang ka!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 37  gmexico

    12/30/2011 | 09:52 AM
    Ang yabang naman nito instead it was a humbling experience for him eto ganap ang kahambugan.Why he just single out Best Actor all awards given should be question including his 11 awards.I believe the people who judge the festival is not there by chance they are credible people that been selected as a commmitee.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 36  Johann29

    12/30/2011 | 09:39 AM
    mas feel ko ung Yesterday Today Tomorrow pra s Best Picture kaso ansaveh biglang na DQ? FISHYYYYYYYYYYYYYYYYY yun lang maganda yung Asiong kaso A-HOLE din yung mga tao behind it. yun lang.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 35  rotoscaper

    12/30/2011 | 09:18 AM
    lol katuwa na nagsasabing di magandang pelikula yung manila kingpin. panoorin niyo muna kasi lahat bago umangas. ito lang yata yung pelikula na talagang may oomph.di pa ba kayo nagsasawa sa kakasigaw ni kris aquino, mga one-hit kill ni panday--at overly used special effects, sa word na 'Enteng'? kaya stagnant ang industriya dahil hindi na nagbago ang taste ng tao pagdating sa pelikula.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
123

more comments

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About