"Shock" ang dulot sa mga malalapit na kaibigan sa showbiz ni Tyron Perez sa biglaan niyang pagkamatay.
Si Tyron ay 26 years old.
Isa sa mga unang nag-react sa social networking site na Twitter ay si Nadine Samonte, na naging screen partner ng aktor noong nagsisimula pa lamang ang mga ito sa showbiz.
Ang post ni Nadine: "rip tyrone perez nakakashock naman... Anung daw nangyari?"
Inalala din ni Nadine, na isa na ngayong Kapatid star, ang iba pang batchmates nila ni Tyron sa Kapuso channel—ang Starstruck alumna na sina Sheena Halili, Jade Lopez, Christian Esteban, at Mark Herras.
Clueless talaga si Nadine sa mga nangyari base sa kanyang tweet kay Jade: "wala pa eh magtatanong ako balitaan tayo..."
Sunud-sunod din ang posts ni Cristine Reyes, na nasa set ng Reputasyon noong nakarating sa kanya ang balita.
"nang-iwan ka na naman sa ere bro! Andito kame! May plano pa tayo diba? Bakit??"
"RIP kapatid. Ang saya saya lang natin sa baha mo nila @jadehanzel at @chrisesteban24 sana tinawagan mo na lang kami kapatid :-("
Si Jade naman, nag-post ng "last dinner" picture nila nina Cristine at Christian, kasama si Tyron. Ang caption: "Miss ur laugh nd smile."
Aniya pa, "Bakit kapatid? @tyronperez ... hayyy. May plano pa tayo nila@yourqueenAAsays & @chrisesteban24 di ba? :-("
Heto naman ang mga tweets ni Christian:
"@yourqueenAAsays @tyronperez @jadehanzel. if I only knew brother. Thank you for making my heart smile evertime I saw you. Tears.."
"@yourqueenAAsays @tyronperez @jadehanzel. Love you brother. I will miss your "Yea man"
"@mysheenahalili @tyronperez @nadinesamonte@yourqueenAAsays @jadehanzel @MarkTheHerras wil alwys remember hm snging 'Like a rose'"




0

