news

UPDATE A gunshot killed Tyron Perez

by Karen A. Pagsolingan posted on December 30, 2011  STATS: 1185 Views | 46 Comments

Tyron Perez said plans to have a baby with wife Liv Espino have been shelved because of the nature of Liv's job. The actor told PEP: "Hindi rin siya puwedeng magbuntis din kasi kapag lumilipad, malakas ang radiation ng eroplano. Kung sakali, siguro ano, after three years pa siguro ang plan namin."

Photo By: Noel Orsal

Isang tama ng baril sa kanang bahagi ng ulo ang kumitil sa buhay ni Tyron Perez.

Ayon kay Senior Inspector Arthur Quiñonez ng Valenzuela City police, ito raw ang findings ng mga imbestigador ng SOCO (Scene of the Crime Operative).

"Suicide" ang tinitignang anggulo ng pulisya, lalo pa't "self-inflicted" umano ang gunshot.

Pero hindi pa rin daw tinatanggal ang posibilidad na "set up" ang nangyari.

Natagpuang wala nang buhay ang Starstruck alumnus sa loob ng isang Toyota Altis na nakaparada sa service road ng North Luzon Expressway, malapit sa Barangay Ugong, Valenzuela.

THE WIFE'S TWEETS. Naulila ng aktor ang kanyang asawa na si Liv Espino, isang flight attendant na pinakasalan niya noong May 27, 2009.

(CLICK HERE to read story.)

Sa Twitter account ni Liv, tila hindi pa rin daw siya makapaniwala sa nangyari.

Ang kanyang tweet bandang alas nuwebe ng umaga: "The hardest part of the day is choosing a casket for a husband and a best friend.Now everything is starting to sink in.Unimaginable!"

Noong December 17, nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Tyron sa isang event na naganap sa Vigan, Ilocos Sur.

Aniya, wala pa raw silang Christmas plans ng kanyang misis dahil "magkalayo sila."

Noong December 20 naman, nag-tweet si Liv tungkol sa isang kotse na umano'y ninakaw sa kanya.

Ayon sa kanyang public post: "My car has been stolen!If u see a Black Toyota Altis 2009 Model with plate number ZSP875,pls report it to authorities right away! Thank you!"

Dumating ito ng bansa noong December 22, ayon na rin sa kanyang Twitter: "Landed last night, but just got home... I lost a car but I gained amazing people who love & appreciate! Thank you,Lord! I love you! Mornyt!"

1  2  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

46 Comments

  • 46  winged_angel

    12/31/2011 | 02:45 AM
    Nakapag tweet ka na agad Teh? Na-biyuda ka, nakapag-tweet ka pa? Kaloka.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 45  doreen08

    12/31/2011 | 12:44 AM
    Narinig ko sa 24oras news na meron daw problema sa pera at family si tyron naisangla daw pala ang car sa casino dahil may utang sya sa casino at sinabi pa ng asawa na gusto na mag quit ni tyron from showbiz to start a new life sa usa with her wife.. at magkasama pa sila last dec.26 at nagkaayos naman daw kaya huwag naman muna kayong judgemental dahil hindi natin alam kung ano talaga ang dahilan!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 44  sexydulce

    12/30/2011 | 11:54 PM
    bakt mas maraming lalaking nagsu-suicide kesa sa babae. hnd kc cla marunong umiyak. kala lang natin malakas cla pero emotionally hindi pala.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 43  michaelaangel74

    12/30/2011 | 11:50 PM
    It's very heart breaking to read a news like this that somebody has lost life. R.I.P. Tyron Perez.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 42  superbeki

    12/30/2011 | 11:06 PM
    lasing kaya si tyron nung nagpakamatay... parang ang hirap magpakamatay , sayang ung buhay mo. ung iba naman, pilit nagpapagaling sa sakit nila, gustu humaba ang buhay, ung iba naman kung ganun ganun lang tikilin ang buhay nila. kung pwede sana ano, kung ayaw mo na sa buhay, pwede ibigay sa iba ung itatagal mo pa dito sa lupa... kung me problema, magdasal, lumapit sa mga kaibigan, o ibang kamag anak.. ndi solusyon ang suicide sa problem, mas malaki problema mo after mo mag suicide eh, derecho ka na sa ibaba... mas mahirap buhay duon. but still, lets pray for tyron's soul... kaka sad. kahit artista sila ndi natin kilala personally, baket kahit papano, na kaka sad , palibhasa , iba saten dito, gaya ko, part na ng buhay ang showbiz, kaya pag ganito, nalulungkot ren tayo anoh. sa asawa naman ni tyron, sana inayos nyo ung problem, sana maganda ung paghihiwalay. hindi ung aakusahan mo pa asawa mo ng carnapping.. hayy.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 41  Clara Pastor

    12/30/2011 | 10:22 PM
    maybe sa sobrang depression ng isang tao suicide is their alternative,baka marital problem.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 40  acdc_rafa

    12/30/2011 | 09:06 PM
    ewan03...salamat
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 39  ewan03

    12/30/2011 | 08:20 PM
    very well said acdc-rafa. di naman sila dine-degrade, that is our observation.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 38  acdc_rafa

    12/30/2011 | 08:11 PM
    touch of class... i didnt mean to degrade the FA profession and being a waitress or servant for that matter ang truth marangal na trabaho lahat yan ang punto ko is masyado silang arrogante na dapat hindi ... ang ugali nila minsan sa eroplano masyado mataas na di dapat so sometimes they need to be reminded para malaman nila na kaya sila may trabaho ay dahil na rin sa binabayad ng pasahero sa pagsakay sa eroplano kaya dapat lang na magbigay sila respeto sa lahat pasahero kahit ang ugali nila ay di maganda ...di lahat of course peace
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 37  touch_of_class

    12/30/2011 | 07:41 PM
    at acdc rafa, i don't think it is right to say that. marangal na propesyon naman ginagawa nila. kung may galit ka sa ilan, wag lahatin. malaki din ang papel ng stewardess.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 36  touch_of_class

    12/30/2011 | 07:38 PM
    Natagpuan si Tyrone sa backseat ng car kungsaan na-tweet ni stewardess na nacarnap!kalurks. o mga pulis, ikulong na ang chakang stewardess na yan. tyak may kinalaman yan. wala namang suicide note e. wa ring emosyon sa face ni chaka. gow, dakpin na ang chaka doll. mga lespu wag na namang simpleng magisip na naman!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 35  acdc_rafa

    12/30/2011 | 07:32 PM
    akala nila ay kung sino na sila eh waitress at tagasilbi ng mga pasahero sa eroplano at pag tumanda lang ng konti tapon na sila
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 34  sexyducky

    12/30/2011 | 06:59 PM
    we will miss u tyron perez..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 33  ewan03

    12/30/2011 | 06:12 PM
    icabupinni- yes.. di naman lahat, pero in general mayabang talaga sila. di naman din gaano kalaki sahod nila. hay... madami n din kasi ko na-meet n galing dyan, halos pareparehas ere nila. kung umasta rin masyadong pa-sosyal, and siguro nga tama yung mga comment dito n di naman kagandahan wife nya kasi mga crew naman of that airlines ay di naman talaga lahat magaganda at matatangkad.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 32  icabupinni

    12/30/2011 | 05:12 PM
    ewan03 - totoo yan!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 31  maria45

    12/30/2011 | 04:35 PM
    ..strange, namatayan na nga ..updated pa sa twitter. Ganyan na ba ka addict sa social networking ang mga tao na kahit asawa mo pa ang namatay kailangan pang mag tweet at exclamation point pa! Mas appropriate siguro ang sad face...di ba? Opinyon ko lang.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 30  Jockinthepan

    12/30/2011 | 04:03 PM
    Bat ganuon namatayan na pero updated parin sa pag twi tweet. Pinalabas pa na carnap yung car nya eh gamit pala ng asawa nya. Another questionable in.....
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 29  fujiko77

    12/30/2011 | 03:14 PM
    yun din ang una kong napansin Alimango... namatayan na ng asawa, updated pa ang twitter nya.. hhmmnnn... it's obvious na there's something wrong sa mag asawa, ang Christmas ay napakahalaga sa ating Pinoy, bakit they were not together nung Christmas? kung sila Katy Perry nga at asawa nyang westerners na di katulad nating medyo conservative pa lalo na sa pag observe ng ganitong occasion at di hamak na busy sila, na ku kwestion bakit di sila magkasama nung Christmas.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 28  mafi_muk

    12/30/2011 | 03:08 PM
    If you read Liv Espeno's tweet's, she never tweeted her husband.something wrong with them.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 27  camote_kaba

    12/30/2011 | 02:39 PM
    Condolence to the family. RIP Tyron.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
123

more comments

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About