"With all due respect to the Governor, we regret that the delay in release of prints was interpreted as sabotage, which we categorically deny. We also categorically deny that there was, nor will there ever be, any connivance between SQ Film Laboratories and the other production companies involved in this festival," SQ Film Laboratories said in response to allegations that it sabotaged the film prints of Manila Kingpin: The Asiong Salonga Story, starring ER Ejercito.

Photo: File photo

Nagbigay-pugay si Jeorge "ER" Estregan, Jr.—o mas kilala bilang si Governor ER Ejercito—kay Tikoy Aguiluz, ang direktor ng Manila Kingpin: The Asiong Salonga Story.

Nanalo si Direk Tikoy ng Best Director sa 37th Metro Manila Film Festival Awards Night para sa pelikula.

Ayon kay ER, "Oo, para kay Direk Tikoy talaga yun.

"Nagtampo lang siya dahil binago namin yung editing, dahil there was a criteria na hindi puwedeng baguhin ang istorya.

"Di ba, yung Yesterday Today and Tomorrow, binago nila yung script kaya na-disqualify?

"Kaya we had to re-edit na ayon sa original script na 'binigay namin."

Ngunit sa mga naunang pahayag ni ER tungkol sa kanyang reedit at reshoot, wala itong anumang banggit na ginawa niya ang mga ito upang hindi makalabag ang Asiong Salonga sa MMFF rules.

Ang sinabi nito ay nabagalan siya sa editing ng pelikula, at hindi naman daw expertise ni Direk Tikoy ang editing, kaya raw kumuha siya ng mga batang editors at nang mapabilis ang pacing.

Matatandaang pagkatapos nito, pinatanggal ni Direk Tikoy ang kanyang pangalan sa credits ng Asiong Salonga.

(CLICK HERE to read related story.)

Sinasabi ngayon ni Governor ER na hangad pa rin niyang magkaayos sila ng batikan at award-winning director.

"I'm still hoping na yung El Presidente sa February ay siya pa din yung magdirek," sabi ni niya.

Ang El Presidente ay ang biopic ni Emilio Aguinaldo, kunsaan si ER din ang gaganap sa pangunahing papel.

Kasama sa pelikula ang Superstar na si Nora Aunor bilang si Maria Agoncillo.

Nasimulan na ang principal photography ng pelikula, ngunit naantala ito dahil sa Asiong Salonga.