Deaths in December

Jojo Gabinete
Saturday, December 31, 2011 @ 02:54AM  |  141 views

Sa pagpanaw ni Tyron Perez (top, left), ginunita ang biglaang pagkamatay din nina Alfie Anido (bottom, left) at Stella Strada sa buwan ng Disyembre.

Photo By: Internet Photos













May mga nagsasabi na mataas ang suicide rate sa buwan ng Disyembre dahil sa holiday depression at ang tinatawag na Christmas blues.

Ito raw ang nangyayari sa mga tao, partikular na ang mga nangungulila sa kanilang mga mahal sa buhay.

Ang pagpapakamatay ni Tyron Perez noong December 29, sa pamamagitan ng pagbabaril sa sarili, ay isang malaking balita sa showbiz.

Sa unang gabi ng wake nito, kinumpirma mismo ng kanyang asawang si Liv Espino na "suicide" ang cause of death ng aktor.

Marami ang nalungkot dahil nagawa ni Tyron na kitilin ang sariling buhay, samantalang marami ang mabibigat ang karamdaman ngunit ginagawa ang lahat para humaba pa ang kanilang pamamalagi sa mundo.

Hindi si Tyron ang kauna-unahang showbiz personality na nagpakamatay sa buwan ng Disyembre.

Namatay rin sa sariling kamay ang dating matinee idol na si Alfie Anido noong December 30, 1981.

Kontrobersyal ang biglaang pagpanaw ni Alfie dahil may mga nagsasabing hindi siya ang bumaril sa sarili.

Diumano, pinatay si Alfie ni Jack Enrile dahil sa pananakit nito kay Katrina, ang girlfriend ng una at kapatid ng huli.

Kilala ang magkapatid na Jack at Katrina bilang mga anak ni Juan Ponce Enrile, isang senador ngayon, ngunit nang mga panahong iyo'y defense secretary ng yumaong Presidente Ferdinand Marcos.

Ngayon ang ika-30 anibersaryo ng kamatayan ni Alfie.

Nito lang unang linggo ng Disyembre, humarap sa entertainment press si Jack para linawin ang umano'y urban legend na nagdadawit sa kanyang pangalan sa maagang pagkamatay ng aktor.

House Representative na ngayon si Jack, at sa ginanap na presscon, ikinuwento niya ang buong pangyayari.

Sa madetalyeng kuwento ni Congressman Jack, patay na si Alfie nang dumating si Jack sa tahanan ng aktor sa Bel-Air, Makati City.

Mapapatunayan raw ito ng mga saksi na naabutan niya sa nabanggit na lugar.

1  2  Next »

Related Articles

Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name