Marami ang nagtatanong kay Manay Ichu Maceda tungkol sa usapin sa pagkaka-disqualify ng entry ng Regal Films na Yesterday Today Tomorrow na manalo ng mga major awards sa Metro Manila Film Festival 2011.
Isa sa miyembro ng executive committee ng MMFF si Manay Ichu.
“Actually, may violation kasi,” pahayag ni Manay Ichu nang makapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) nuong Miyerkules, December 28, sa gabi ng parangal ng MMFF sa Newport Performing Arts Theater sa Resorts World.
“Na kapag binago nang husto ang istorya… major revision from the approved storyline, magkakaroon ng penalty.
“Na… number one… forfeiture ng performance bond na 500 thousand [pesos].
“Number two… disqualification from participating in next year’s film festival.
“Number three… disqualification from the awards.
“So we decided [to give the] least heavy [penalty]. Which is to disqualify [Regal] from the awards.
“Hindi namin binawi ‘yong 500 thousand. Hindi namin sila [Regal] pinagbawalan na mag-join next year.
“At ‘yong sinasabi na… lahat naman ng script binabago at may mga revisions, totoo ‘yan. Lahat ng script may revisions.
“Pero kapag ang binago mo ay ‘yong istorya, kahit pa you stick to the same genre, iyon ang malaking deviation na tinatawag.
“Ibang-iba na kasi no’ng ma-revise [‘yong script ng Yesterday Today Tomorrow].
“Sa original script, ang story tatlong magkakapatid na babae. Dito [sa final na kinalabasan ng pelikula] kapag pinanood ninyo, ibang-iba na," ayon kay Manay Ichu.
Nagkausap na ba sila ng Regal Films producer na si Mother Lily Monteverde?
Balita kasing labis umanong ikinasama ng loob nito ang naging desisyon ng MMFF committee.




0

