Nagulat si Carla Abellana nang makarating sa kanya ang balita na nagkakaroon daw sila ng problema ng boyfriend niyang si Geof Eigenmann dahil palala nang palala ang mga roles na ginagampan niya sa pelikula.
Dumagdag pa rito ang pagi-endorso niya ng isang liquor brand.
"Hala! Oww?" gulat na reaksyon ni Carla.
"Ay, hindi," ang pagtanggi niya.
"No naman. Kasi yan ang ano namin ni Geof. Usapan namin yan pagdating sa trabaho.
"Hindi namin pakikialam ang desisyon ng isa't-isa. Unang-una, artista kami bago kami naging boyfriend-girlfriend.
"He of all people would understand na trabaho lang yan.
"Saka before pa ako gumawa ng project, sinasabi ko na sa kanya. Alam naman niya lahat," ang sabi ni Carla sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).
Nitong nakaraang Pasko ay hindi pa raw natatanggap ni Carla ang regalo niya mula sa kasintahan.
"Hindi pa dumarating, in-order pa raw niya kasi. Hindi ko alam kung ano, sorpresa daw," balita niya.
Samantala, naibigay na niya ang gift niya kay Geof nitong nagdaang Pasko.
"Sapatos at saka coat. Sapatos na pam-boxing at coat na pang-formal."
CONTRACT WITH REGAL. Samut-saring balita rin ang lumalabas na diumano'y gusto nang kumalas ni Carla sa kontrata nito sa Regal para hindi na raw ito mapressure at malaya siyang makakagawa ng pelikula sa ibang production.
"Siyempre, ayaw naman namin," mabilis niyang paglilinaw.
"Ayaw naman naming umalis kung ano ang napirmahan namin di ba?




0

