Jake Cuenca's goal for 2012—to win an acting award

Rose Garcia
Sunday, January 01, 2012 @ 11:27AM  |  6939 views

Jake Cuenca was nominated Best New Wave Actor for his role in HIV. However, it was fellow Kapamilya actor JM de Guzman who took home the award for his role in Pintakasi.  Jake said he was disappointed about not winning the award, but he was happy for JM:

"Na-disappoint ako, pero, ang saya ko para kay JM.  Ang tagal din namang naghintay ni JM sa pagkakataon na yun at lahat naman ng meron si JM ngayon, he deserves it."

 

 

Photo By: Noel Orsal













Naging bahagi na ng buhay ni Jake Cuenca ang pagsi-celebrate ng kanyang kaarawan sa paboritong charity, ang CRIBS.

Ginawa niya ito nuong December 29,  isang araw bago ng kanyang 24th kaarawan sa December 30.

At sa kinagabihan naman, ang oras ni Jake ay nilalaan naman niya sa kanyang mga fans, ang "ijakes" na ang karamihan ng miyembro ay nasa iba't-ibang panig ng mundo.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Jake sa ginanap na pa-birthday niya sa Chili's Greenhills sa San Juan.

"Sa Cribs, four years straight na rin.  Sa fans ko, it's been every year, since nagkaroon ako ng fans," aniya.

''Yung sa Cribs, ang saya. I can't explain ang nakukuha ko out of going there, doing charity.

"Yung sa akin lang naman, at least, ang ganda-ganda ng feeling na umuwi ka ng bahay, nagawa mo ang good deed for the day. 

"Nakapagpasaya ka ng mga bata. Iba ang feeling. Sa akin nga, parang iniisip ko, dapat dalasan ko. 

"I did a lot of charity work this year, tulad ng sa CDO, pero, parang gusto ko pang dalasan. Parang nakukulangan pa ko."

Very thankful si Jake pagdating sa kanyang mga fans.  Nakita rin namin ang generosity at suporta ng mga ijakes sa kanya.

Ayon kay Jake, "Alam niyo, bukod sa mga regalo na ibinibigay nila sa akin, yung effort lang na every year, yung ginagawa nila sa akin, sobrang overwhelming kasi...

"Sobrang na-appreciate ko talaga lahat ng ginagawa nila at ang hinihingi lang nila sa akin ay maging mabait sa kanila.

"Pangalawa, umarte ng tama.

"Kaya mas nai-inspire talaga ako na galingan kasi, sobrang konti lang ng hinihingi ng fans ko," aniya.

"Gusto lang nilang suportahan ang proyekto ko na magiging proud sila. 

1  2  3  4  Next »

Related Articles

17 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name