Naging bahagi na ng buhay ni Jake Cuenca ang pagsi-celebrate ng kanyang kaarawan sa paboritong charity, ang CRIBS.
Ginawa niya ito nuong December 29, isang araw bago ng kanyang 24th kaarawan sa December 30.
At sa kinagabihan naman, ang oras ni Jake ay nilalaan naman niya sa kanyang mga fans, ang "ijakes" na ang karamihan ng miyembro ay nasa iba't-ibang panig ng mundo.
Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Jake sa ginanap na pa-birthday niya sa Chili's Greenhills sa San Juan.
"Sa Cribs, four years straight na rin. Sa fans ko, it's been every year, since nagkaroon ako ng fans," aniya.
''Yung sa Cribs, ang saya. I can't explain ang nakukuha ko out of going there, doing charity.
"Yung sa akin lang naman, at least, ang ganda-ganda ng feeling na umuwi ka ng bahay, nagawa mo ang good deed for the day.
"Nakapagpasaya ka ng mga bata. Iba ang feeling. Sa akin nga, parang iniisip ko, dapat dalasan ko.
"I did a lot of charity work this year, tulad ng sa CDO, pero, parang gusto ko pang dalasan. Parang nakukulangan pa ko."
Very thankful si Jake pagdating sa kanyang mga fans. Nakita rin namin ang generosity at suporta ng mga ijakes sa kanya.
Ayon kay Jake, "Alam niyo, bukod sa mga regalo na ibinibigay nila sa akin, yung effort lang na every year, yung ginagawa nila sa akin, sobrang overwhelming kasi...
"Sobrang na-appreciate ko talaga lahat ng ginagawa nila at ang hinihingi lang nila sa akin ay maging mabait sa kanila.
"Pangalawa, umarte ng tama.
"Kaya mas nai-inspire talaga ako na galingan kasi, sobrang konti lang ng hinihingi ng fans ko," aniya.
"Gusto lang nilang suportahan ang proyekto ko na magiging proud sila.




CALLED OUT
ALL COMMENTS
17 AngelSIKATlocsin
16 r2kin2
15 commentirador_01
14 shingaling20
13 lovelyiglot
12 cinelamour
11 cinelamour
10 MandK
9 Lokotoy
8 shellphone
7 ezee_star
6 jams_mom
5 r2kin2
4 fujiko77
3 alexangel
2 critical_critic
1 haynako