Fabio Ide's birthday falls on the day after Christmas. He wanted to go home to Sao Paulo this year but...

 

"Gusto ko bumalik sa Brazil pero kasi meron akong bagong show sa GMA-7, iyong My Beloved. Yes, yung bagong soap. We started taping already pero we start airing this January so hindi ako puwede pumunta sa Brazil," he explains.

 

 

Photo: Erwin Santiago

"Pero kapag Christmas, usually binibigyan ako ng regalo, pero sa birthday ko pera, yung tito ko, lahat, [they] give me pera."

"Real" ang pera sa Brazil.

BEST BIRTHDAY GIFT. The most unforgettable birthday gift na natanggap niya?

"In my whole life? I think when I got a car, binigyan ako ng tatay ko.

"He gave me a car when I turned eighteen years old so puwede nang mag-drive, hindi na bawal. It was a Ford Fiesta."

Pero na-carnap ang naturang kotse ni Fabio!

"It was stolen in  Brazil!

"Kasi when I was living here... I was in Hong Kong, then yung kapatid ko she was using my car para pumunta sa university so she parked the car, pagkatapos nung bumalik siya, the car was gone! 

"Pero okay naman, may insurance, so I got the money back.

"Pero ito yung problema, yung pinakamahirap na problema sa Brazil kasi, ang daming thieves."

Parang Pilipinas?

"Oo, same... pero to be honest I feel more safe here than in Brazil.

"Brazil is really hard right now.

"Maganda yung bansa ko, maganda mga tao, yung culture namin—pero delikado, delikado talaga, you have to be careful there."

Nitong nakaraang December 26 ay pangatlong showbiz birthday na niya sa Pilipinas.