Marami ang nakakapansin na gumagaling si JC Tiuseco sa pag-arte.

"Siguro ngayon mas naging comfortable na ako in acting. Every time na may nakakatrabaho ako, nakikita ko how they do it, how they act, so marami akong napupulot sa kanila," he says.

Photo: Noel Orsal

Dahil Bagong Taon, tinanong namin kay JC Tiuseco kung ano ang New Year's resolution niya ngayong 2012.

"Sana mas mag-improve pa ako sa ginagawa ko, tsaka sana maipagpatuloy ko yung habit ko ngayon in working."

Anong habit?

"Iyong parang naging workaholic na ako ngayon, parang gusto ko laging may ginagawa."

Noong 2011 ba ay hindi siya ganoon kasipag magtrabaho?

"Ganun din naman pero ngayon kasi, kapag may free time ako, talagang magdyi-gym ako kasi alam ko mas lalakas ako. Gusto ko magpapalakas pa lalo.

"After rehab, gusto ko lagi akong may ginagawa."

Patuloy kasi ang pagpapa-rehab ni JC after his ACL (knee injury) operation a few months ago.

Marami ang nakakapansin sa improvement niya in (drama) acting.

"Siguro ngayon mas naging comfortable na ako in acting.

"Every time na may nakakatrabaho ako, nakikita ko how they do it, how they act, so marami akong napupulot sa kanila.

"Tapos at the same time, may workshop pa sa Mercator, tapos may workshop pa before the project starts, so iyon."

Looking back sa 2011, ano ang maituturing ni JC na greatest achievement niya sa career niya?

"Sunud-sunod, e. Siguro it started sa Sisid.