Kris Bernal on Jolo Revilla: "Ayoko naman na ma-misinterpret ko 'yong mga ginagawa ni Jolo sa akin ngayon. Basta sa ngayon, magkaibigan kami. At masaya ako sa pagiging magkaibigan namin. Sa totoo lang, hindi ko naman talaga hinahabol na magkaroon ng bagong love life, e. Dumadating na lang 'yan, e. At kumbaga, tingnan na lang natin kung makapagbibigay inspirasyon ba ito sa akin at hindi makakasagabal sa career."

Photo: Noel Orsal

Kapansin-pansin na blooming si Kris Bernal nang mag-guest siya sa Showbiz Central kahapon, January 1. 

Siya ang sumalang sa lie-detector test at live interrogation para sa segment na "Don't Lie To Me Reloaded," kung saan si Jennylyn Mercado ang pumalit muna kay John "Sweet" Lapus, na nasa New York, sa pagtatanong.

Puro "Truth" ang resulta sa lie-detector machine ng mga sagot ni Kris. 

Isa sa naging tanong sa kanya ay kung maayos na ang pakikitungo nila sa isa't isa ngayon ng singer na si Jay Perillo matapos silang mag-break.

Ani Kris, "Yes. Magkaibigan kami and okey naman. Okey na.

"I hope na maging masaya siya. 'Yon lang."

Nang matanong naman tungkol kay Jolo Revilla, hindi na rin itinanggi ni Kris na nanliligaw ito sa kanya. 

Pero hindi kaagad siya nakasagot nang tanungin kung may pag-asa ba na sagutin niya ang aktor.

Nag-isip munang mabuti si Kris bago nasabing "Yes!"

Dagdag na rebelasyon pa ng Kapuso young actress, "Lumalabas kami. Nagkikita kami. 

"Pero hanggang do'n lang muna. Kinikilala ko pa lang muna siya.

"Pero sa ngayon, ang masasabi ko, mabait siya, sweet siya...bilang isang kaibigan, kumbaga.

"Yes. Nag-celebrate kami ng New Year na magkasama.

"After no'ng New Year countdown [ng GMA-7] sa MOA, nagkita kami.