Kris Bernal on Jolo Revilla: "Ayoko naman na ma-misinterpret ko 'yong mga ginagawa ni Jolo sa akin ngayon. Basta sa ngayon, magkaibigan kami. At masaya ako sa pagiging magkaibigan namin. Sa totoo lang, hindi ko naman talaga hinahabol na magkaroon ng bagong love life, e. Dumadating na lang 'yan, e. At kumbaga, tingnan na lang natin kung makapagbibigay inspirasyon ba ito sa akin at hindi makakasagabal sa career."

Photo: Noel Orsal

"Ayoko naman na ma-misinterpret ko 'yong mga ginagawa ni Jolo sa akin ngayon.

"Basta sa ngayon, magkaibigan kami. At masaya ako sa pagiging magkaibigan namin.

"Sa totoo lang, hindi ko naman talaga hinahabol na magkaroon ng bagong lovelife, e. Dumadating na lang 'yan, e.

"At kumbaga, tingnan na lang natin kung makapagbibigay inspirasyon ba ito sa akin at hindi makakasagabal sa career."

Dagdag pa niya, "There are so many things to consider before getting into a new relationship. 

"Marami kang kailangang i-consider. Lalo na kapag sa trabaho.

"Mahal ko ang trabaho ko. And iyon ang priority ko.

"Basta ang focus ko muna sa ngayon, trabaho.

"Pagdating sa lovelife, hindi ako nagmamadali. 

"Basta masaya ako na may mga taong nandiyan para sa akin."