"Hindi iyon ang dahilan.
"Siguro ang gusto ko ngayon, kailangan ko ng mga kaibigan, e.
"Kailangan ko ng mga taong malapit sa akin.
"Kasi, nasaktan 'yong puso ko.
"So, naghahanap lang ako ng mga kaibigan. Ng mga bagong kaibigan.
"Ng mga affection. Ng pagmamahal ng pamilya ko.
"Iyon—iyon ang kailangan ko ngayon.
"Kaya si Jolo, he's a new friend."
Sa recent interviews ni Jolo, hindi pa ito umaamin na nanliligaw siya kay Kris.
Ang lagi lang nitong sinasabi, hayaan muna silang magkakilanlang mabuti ni Kris.
Napag-usapan ba nila ni Jolo na aamin na siyang nanliligaw nga ito sa kanya?
"Yes," sagot ni Kris.
"Pero right now, parang I see him as more of being a friend, e. Alam mo 'yon?
"Ngayon talaga, magkaibigan kami, e.
"Pero ngayon, natutuwa ako dahil may taong nandiyan, nagki-care sa 'yo."




CALLED OUT
ALL COMMENTS
3 pepato
2 nzabanal
1 lovekopinas
more comments