Genelyn Magsaysay on Ramgen Revilla-Janelle Manahan intimate video: "Kung makita man namin iyon, mas lalo naming itatabi."

Joyce Jimenez
Tuesday, January 03, 2012 @ 04:26PM  |  60579 views

 

Genelyn Magsaysay (main photo) on sex video of Ramgen Revilla and Janelle Manahan (inset): "Kung makita man namin iyon, mas lalo naming itatabi. Di namin ilalabas iyon dahil kawawa naman ang anak ko. Patay na ang anak ko, nasisira pa. Gano'n kasakit ang ginagawa ninyo. Kung sino man ang may pasimuno nito, mananagot kayo sa Panginoon."

Photo By: Danny Boy Plata/ Courtesy of Janelle Manahan













Itinanggi ni Genelyn Magsaysay na may kinalaman siya at ang kanyang pamilya sa kumakalat ngayong video ng yumao niyang anak na si Ramgen Revilla at ang nobya nitong si Janelle Manahan.

Noong nakaraang linggo ay naging usap-usapan sa iba't ibang social networking sites ang naturang video, kung saan makikita ang intimate moments ng magkasintahan.

Nang kumalat ang video na ito, sinabi ng abugado ni Janelle, na si Atty. Argee Guevarra: "This video represents the second assassination of Ramgen and second frustrated murder of Janelle orchestrated and masterminded by the Bautista household."

(CLICK HERE for related article.)

Ang akusasyong ito'y mariing itinanggi ng ina ni Ramgen na si Genelyn.

Ayon sa report nila Ron Gagalac at David Dizon sa ABS-CBN News na lumabas ngayong araw, January 3, sinabi ni Genelyn na kung sakali raw at nakita nila ang naturang video, hindi nila ito isasapubliko.

Aniya, "Kung makita man namin iyon, mas lalo naming itatabi.

"Di namin ilalabas iyon dahil kawawa naman ang anak ko.

"Patay na ang anak ko, nasisira pa.

"Gano'n kasakit ang ginagawa ninyo.

"Kung sino man ang may pasimuno nito, mananagot kayo sa Panginoon."

Dagdag pa ng abugado nila Genelyn na si Atty. Jose Caringal, wala na sa kanyang kliyente ang mga gadgets ni Ramgen, at bagkus ay nasa kamay na ng pulisya.

"Walang gadget na naiwan si Ramgen, kinuha na lahat ng pulis. Itanong ninyo sa mga pulis," saad niya.

THE THREATS. Samantala, nabanggit na noon ng abugado ni Janelle na si Atty. Guevarra na nakakatanggap ng "threats" ang kanyang kliyente.

Bina-blackmail diumano ng isa sa mga kapatid ni Ramgen si Janelle sa pamamagitan ng pagpapadala ng mensahe sa Facebook.

1  2  3  Next »

Related Articles

33 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name