Vice Ganda on his detractors: "Marami silang sinasabi sa akin. Marami silang ibinabato tungkol sa akin. Ayokong ma-distract sa anumang naririnig o nakikita ko. Kung lilingon at lilingon ako sa lahat ng nagdi-distract sa akin, hindi ako makakadiretso sa tinatahak ko. Gusto kong mag-focus. Mero'n akong direksiyon na gustong tahakin. Kung magpapa-distract ako sa kanila, hindi ko mapupuntahan ang gusto kong puntahan."

Photo: Noel Orsal

Ilang oras bago magpalit ang taon nuong December 31, nabalitang sumakabilang-buhay na ang pinakamamahal na lola ni Vice Ganda.

Pero, noong January 1, "live" na nakapanayam ni Boy Abunda sa The Buzz si Vice.

Lumalabas na pre-taped ang ipinalabas na episode ng The Buzz noong New Year's Day, kung kaya't ang pinag-usapan pa nina Boy at Vice ay ang tungkol sa maselan na kundisyon ng kanyang lola.

SHOWTIME BABY! Isa si Vice sa guests ng The Buzz dahil sa taong 2011, masasabing isa siya sa mga artistang nagningning nang husto at umani ng tagumpay sa nagdaang taon.

Sa programang Showtime ay mas nakilala at minahal ng mga tao si Vice.

Naramdaman ba ni Vice sa umpisa na magiging hit ang Showtime?

"No, actually sinabi ko yun kay Direk Bobot [na] for a time, I doubted. 

"'Bobongga ba itong show na ito? Parang wala lang.

"And since wala naman akong ginagawa noon, wala akong programa, pasok na 'to for exposure. 

"At least, nakikita 'ko sa TV.

"Hindi ko talaga ini-expect. Lahat naman kami, hindi namin ini-expect na ganoon ang mangyayari at pagtanggap ng mga tao sa Showtime.

"Phenomenal din ang Showtime at noong naging matagumpay na siya, pinangalagaan na namin ang tagumpay."

GOING SOLO. May Gandang Gabi Vice [GGV] na siya ngayon at solo siya ro'n. 

Ano ang kaibahan nito sa Showtime?