NEW HAIRDO IN 2012. Ngayong papasok na taon, ano ang maaasahan ng mga tao kay Vice Ganda?
"Sa 2012 po, makakaasa kayong baklang-bakla pa rin ako. Marami pa po akong magagawa.
"Marami akong gagawin pa. Maraming iniatas sa akin na gagawin. Isang pasabog na pelikula.
"May io-offer ako sa inyong isang pasabog na pelikula. Hindi pa po puwedeng sabihin.
"Magku-concert ako ulit. Minsanan na lang naman ako [magkaroon] ng isang malaking concert sa Pilipinas.
"Gagawa ako ng isa pang panibagong album. Makikita n'yo pa rin ako sa telebisyon maya't maya.
"Kasi, alam ko naman ang purpose ko.
"Alam ko naman na ang purpose ko ay patawanin ko kayo, kaya magpapatawa at magpapatawa pa rin ako."
Kung may babaguhin si Vice na isang bagay sa sarili niya, ano yun?
"Kailangan may pasabog akong buhok sa 2012. Kasi last year, nagpasabog ako, yung bangs, di ba?
"Ang daming nagsabi na, 'Ang pangit ng buhok mo, ba't ka nagpa-bangs?'
"Hindi naman kailangang magpaganda. Hindi naman para magandahan kayo sa akin. Hindi yun ang pakay ko.
"Ang pakay ko lang, 100 percent impact."
Paano napapanatili ni Vice ang katinuan niya sa business na ito?
"Siguro, unang-una, pumasok ako sa business na ito na matanda na 'ko.




0

