Jake Cuenca on falling in love this 2012: "Basta ako, hindi naman ako nagmamadali. Kapag nahanap ko na talaga 'yong gusto ko, iyon na 'yon."

Ruben Marasigan
Wednesday, January 04, 2012 @ 02:52PM  |  8137 views

 

"Itong nakaraang taon, talagang punumpuno ng blessings. Wala akong makitang masama. Kung may masama mang nangyari sa buhay ko, na-overshadow ng kagandahan at kabutihan ng nakalipas na buong taon," says Jake Cuenca.

Photo By: Noel Orsal













Noong 2011 ay marami raw magagandang nangyari kay Jake Cuenca. 

Ito nga ang labis na ipinagpapasalamat ng Kapamilya actor.

"Ang dami talagang good things at blessings na napasaakin last year," sabi ni Jake sa panayam sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

"Ang daming magagandang nangyari sa buhay ko. 

"'Yong mga good projects, like In The Name Of Love, Green Rose.

"'Yong mga nagawa kong pelikula—My Neighbor's Wife at saka HIV.

"'Yong pagbabalik ng pamilya ko...it was a great year. A very great year.

"Itong nakaraang taon, talagang punumpuno ng blessings. Wala akong makitang masama. 

"Kung may masama mang nangyari sa buhay ko, na-overshadow ng kagandahan at kabutihan ng nakalipas na buong taon."

CINEMALAYA MOVIE. Para sa taong 2012, isa raw sa gustong ma-achieve ni Jake Cuenca ay ang makagawa ng isang indie film para sa Cinemalaya Independent Film Festival. 

Aniya, "That's one thing na...I was telling my manager [Neil de Guia] and ABS-CBN that I really wanted to do.

"And at the same time, may ginagawa na kaming soap ni Shaina [Magdayao]. Sana suportahan ng lahat.

"We're doing Kung Ako'y Iiwan Mo. 'Yon. Sana suportahan ng lahat.

"Siyempre, launching namin ito ni Shaina as a tandem. So, sana tangkilikin ng mga tao."

SHAINA MAGDAYAO. Hindi ba mahirap na maipareha sa isang tulad ni Shaina, na identified kay John Lloyd Cruz sa totoong buhay?

1  2  3  4  5  Next »

Related Articles

Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name