"A, hindi. Basta ako, tingin ko kay Shaina, kaibigan. At saka ang mga eksena namin dito, parang walang-effort na magpakilig, kasi sobrang nandoon na agad ang chemistry," says Jake Cuenca when asked what if John Lloyd Cruz would get jealous of his love scenes with Shaina Magdayao in their new teleserye.

Photo: Noel Orsal

Huwag magtaka kung hindi magiging visible ngayong buwan ng January si Jake Cuenca, lalo na sa ABS-CBN musical-variety show na ASAP.  

Aalis na kasi ang aktor papuntang Doha, Qatar, para mag-resume ng taping nila para sa bago niyang primetime series sa Kapamilya network, ang Doha (Kung Ako'y Iiwan Mo).

Matagalan daw ngayon ang taping ni Jake sa Qatar.

Para kay Jake, sulit naman ang sakripisyo kahit may ilang proyekto na nawala na puwede niyang gawin sa Pilipinas. 

LOVE SCENES WITH SHAINA. Katambal muli ni Jake si Shaina Magdayao sa series na ito.

"Nasa proseso ako ng paggawa ng bagong soap opera, ang Kung Ako'y Iiwan Mo.

"Kung ibe-base ko sa nakalagay sa trade launch, Doha, tapos may subtitle," saad niya.

Excited din si Jake dahil magkakasama silang muli ni Shaina, na ibang-iba raw ang ipinakita sa kanilang bagong serye.

"Excited ako kasi balik-tambalan namin ni Shaina.

"At alam ninyo, na-excite ako kasi kakaibang Shaina ang ipinapakita niya rito.

"Imagine, ilang beses na kaming nagkatrabaho, pero first time naming gumawa ng mga ganitong eksena."

May mga love scenes sila rito?

"May kissing scenes, may love scenes," pagkumpirma ng young actor.

"Siyempre, binibigyan lang namin ang dalawang character namin at gusto naming maging totoo.