Inamin ni Genelyn Magsaysay na nasa kanila ang laptop ng yumaong anak na si Ramgen Revilla.
Taliwas ito sa naunang pahayag ng abugado ni Gail Bautista-Furiyama, na isa pang anak ni Genelyn at kapatid ni Ramgen.
Ayon kay Atty. Jose Caringal, ang abugado ni Gail: "Walang gadget na naiwan si Ramgen, kinuha na lahat ng pulis."
May kinalaman ang mga pahayag na ito sa kumakalat na video ni Ramgen at nobya niyang si Janelle Manahan, kung saan makikita ang kanilang intimate moments sa loob ng isang banyo.
(CLICK HERE for related article.)
Nakapanayam ni Anthony Taberna sina Genelyn at Atty. Caringal sa kanyang segment na "Punto Por Punto" sa ABS-CBN morning show na Umagang Kay Ganda kanina, Enero 4.
Si Genelyn ay na-interview via phone patch, samantalang si Atty. Caringal ay nasa studio ng ABS-CBN.
Sinabi ni Genelyn na tanging ang isang laptop ni Ramgen ang naiwang equipment sa kanila, at ang iba pang gamit ng pinaslang na anak ay hawak na ng pulis.
Saad ng ina ni Ramgen, "Ang telepono po wala sa amin, ang laptop lang po ang nasa amin, at a... Pero naka-lock 'yong laptop namin, naka-lock 'yon.
"Tapos, ano pa ba 'yan...may iba pang kagamitan, digital camera daw po, wala nang memory card.
"Tapos po, 'yong iba pang kagamitan, nasa mga pulis na daw po ngayon—first day po ng pagkamatay ni Ramgen."
Bagamat nasa kanila ang laptop na pagmamay-ari ni Ramgen, iginiit ni Genelyn na hindi nila alam ang password nito.
Wala raw sa kanilang pamilya ang nakakaalam nito.
Hindi rin sigurado si Genelyn kung alam ni Janelle ang password sa nasabing laptop.
"Wala po kaming access, wala po kaming alam," sagot ni Genelyn nang pag-usapan ang tungkol sa laptop ng kanyang panganay na anak.




0

