Genelyn Magsaysay admits possession of son Ramgen Revilla's laptop, but claims not to know its password

Joyce Jimenez
Wednesday, January 04, 2012 @ 09:07PM  |  68607 views

 

Genelyn Magsaysay on murdered son Ramgen Revilla's laptop, which reportedly contains an intimate video of him and girlfriend Janelle Manahan: "Wala po kaming access, wala po kaming alam. Basta ang alam po namin 'yong laptop po na iyon, wala po nakakaalam ng password ni Ramgen. Maaari pong alam ni Janelle ang password. Hindi ko lang po masabi kung talagang alam niya o hindi niya alam. Kasi si Ramgen po, masyado po 'yang mahigpit, very private na tao po si Ramgen. Ayaw niya pong ipapaalam kahit kanino po kung ano man 'yong para sa kanya, sa sarili niya, gagamitin niya."

Photo By: Danny Boy Plata













"Basta ang alam po namin, 'yong laptop po na iyon, wala po nakakaalam ng password ni Ramgen.

"Maaari pong alam ni Janelle ang password. Hindi ko lang po masabi kung talagang alam niya o hindi niya alam.

"Kasi si Ramgen po, masyado po 'yang mahigpit, very private na tao po si Ramgen.

"Ayaw niya pong ipapaalam kahit kanino po kung ano man 'yong para sa kanya, sa sarili niya, gagamitin niya."

NOT FROM THEIR CAMP. Kaugnay nito, nagbigay ng reaksiyon sina Genelyn at si Atty. Caringal tungkol sa bintang ng legal counsel ni Janelle na sina Atty. Argee Guevarra at Atty. Luke Espiritu.

Sinabi ng mga huli na ang pamilya Bautista ang nagpakalat ng video nina Janelle at Ramgen.

Sinabi ng ina ni Ramgen na hindi nila magagawa ang bagay na iyon.

Aniya, "Ang kahihiyan po ng anak kong si Ramgen ay kahihiyan po ng buong pamilya."

Si Atty. Caringal naman, sinabing naghihintay lamang sila na sampahan ng kaso ang kanyang kliyente at mga kaanak nito.

Iba-iba kasi ang abugado para sa bawat kasangkot sa naturang kaso, tulad na lamang nila Genelyn, Ramon Joseph Bautista, Ramona Bautista, at Hiro Furiyama.

"We are ready," pahayag ni Atty. Caringal, na nagsalita para kay Gail.

"Kasi kitang-kita naman na hula lang ito o espekulasyon, wala namang ebidensiya.

"Go ahead, just file case and we will be ready because you do not have any evidence para i-file sa mga kliyente, sa kliyente ko.

"Wala silang ebidensiya except for the bare allegation na sila Genelyn ang may kasalanan niyan, na sila magkakapatid ang may kasalanan niyan.

"Ano lang 'yon, e, bintang lang 'yon, walang matibay na ebidensiya.

« Prev  1  2  3  4  Next »

Related Articles

58 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name