Sa January 3, Tuesday, episode ng Survivor Philippines Celebrity Doubles Showdown ay na-vote out na si Arthur Solinap.
Pero nanatili siya sa isla bilang ikalawang member ng jury, kung kaya't hanggang sa huli ay mapapanood si Arthur.
Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Arthur sa opisina ng PPL Entertainment, Inc. noong Miyerkules, January 4, ibinihagi niya sa amin ang nararamdaman niya sa kanyang pagkakatanggal at karanasan sa isla.
Aniya, "Sa umpisa pa lang, yung sarili ko talaga ang tsina-challenge ko.
"Kasi, yun nga, hindi ako ready na pumasok.
"Ang kalaban ko, yung sarili ko noong una. Na kaya ko 'to.
"Hindi ko muna iniisip yung mga kalaban ko.
"Para sa akin, mas magandang experience siya. Ang dami kong natutunan.
"Yung mga small things pala na nati-take for granted natin dito sa Pilipinas, pagdating doon, sobrang importante."
Natatawang dugtong pa ni Arthur, "Nabawasan din ang pagka-OC [obsessive-compulsive] ko!"
Kasama ni Arthur sa Survivor Philippines ang kanyang pinsan na si Carlo Gonzalez, na siyang nag-challenge at nag-convince daw sa kanya na sumali sa reality show na ito ng GMA-7.
Saad ni Arthur, "Sinabi nga sa akin ni Carlo, kung hindi ko itsa-challenge ang sarili ko, paano ko mao-overcome yun?
"So, tinanggap ko ang challenge at sumali ako.
"Maganda rin naman talaga ang naging epekto, sobrang ganda. Kaya no regrets kahit ano pang sabihin.
"At kung uulitin at sasabihin nila kung sasali pa ba ako, sabi ko, 'Oo.'




0

