"The leading man of concerts."
Ito ang bagong titulo na ibinigay sa local concert king na si Martin Nievera ng Viva Entertainment boss na si Vic del Rosario.
Kaugnay ito ng pre-Valentine concert niya kasama si Sharon Cuneta sa darating na Pebrero 11, ang "Once in a Lifetime."
"I'd like to see myself as 'the leading man of concerts.' Kasi, ang dami ko nang nakakasama—si Sarah [Geronimo], there's Pops [Fernandez] and I, and then Gary [Valenciano] and I," pahayag ni Martin sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang invited media.
Naganap ito sa press conference ng nasabing Valentine concert kanina, Disyembre 6, sa Viva Entertainment Office, sa Pasig City.
Matatandaang nakasama na rin ni Martin ang Popstar Princess na si Sarah noong nakaraang taon sa concert na "What is Love."
Ito ay nagkaroon pa ng ilang repeat sa iba't ibang bahagi ng bansa.
Noong 2010 naman, muli silang nagsama ng dating asawa niya—ang tinaguriang Concert Queen na si Pops—sa isa ring Valentine concert na "One Amore Time."
Taong 2009 naman nang makasama ni Martin ang kaibigan niya at kapwa mang-aawit na si Gary sa concert na "As 1."
Hindi raw alintana ng local concert king kung mabago ang bansag sa kaniya dahil aniya, "It's a lot easier to live that one than 'concert king.'"
Sabi pa niya, "Mahirap ang 'king,' But 'yong leading man...pwedeng [palitan] ang leading man, di ba?
"Lalo na, for instance, kay Sarah, marami siyang leading men. That's why Boss Vic said, 'Why don't we give you a title na 'leading man of all concerts.'"
Ang titulo ng concert nila ni Sharon, ang Once in a Lifetime, ay hango mismo sa kantang ginawa ni Martin na ganoon din ang titulo.
Akma daw ito dahil ang pagsasama nila ni Megastar "only happens once in a lifetime."
"Actually, the tandem, kaming dalawa ni Sharon, of all time, after so many years in the business, ngayon lang kami magsasama sa isang stage.




0

