Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang young male star na si Dion Ignacio kahapon, January 6, sa Marilao, Bulacan.
Ito ay sa mga huling araw na ng taping ng epicserye na Amaya.
Ang unang itinanong namin kay Dion ay kung ano ang masasabi niya sa panibagong dagok sa batch 1 ng StarStruck, kung saan nagmula si Dion.
Namatay kamakailan ang kasamahan nilang si Tyron Perez.
"Comment ko dun, yung problema... hindi ko din alam kasi wala rin akong..."
Hindi ba sila close ni Tyron?
"Close kami 'pag nagkikita kami."
Hindi siya nakapunta sa burol at libing ni Tyron.
"Hindi ako nakapunta, nasa probinsiya ako, e.
"Wala rin akong communication sa kanya, hindi rin kami nagkikita, pero siguro kung nag-o-open siya sa aming mga kaibigan niya, hindi sana magkaka-ganun, e.
"Matutulungan din namin. Puwede naming iinom yan, e.
"'Iinom na lang natin yan, magkita tayo, huwag kang pakamatay!'
"Isa lang buhay natin, pag 'Pak!', wala ka na.
"Wala talaga kaming komunikasyon, e. Close kami 'pag nagkikita."
PREGNANT NEWS. On a different note, may tsismis na may nabuntis daw si Dion?




0

