news

JC Tiuseco gets buff at the gym, wants to improve his acting skills

by Ruben Marasigan posted on January 7, 2012  STATS: 8318 Views | 1 Comments

Dahil malakas ang hatak ng kanyang sex appeal, hindi nagdalawang-isip ang GMA-7 na bigyan si JC Tiuseco ng break matapos nitong manalo sa kauna-unahang edisyon ng Survivor-Philippines. Siya rin ang isa sa paboritong leading men ng mga Kapuso young actresses na inilo-launch bilang bida sa isang serye. Una na nga kay Jackie Rice sa Sisid. Sumunod ay kay Sarah Lahbati sa Kokak.

 

 

Photo By: Noel Orsal


One of the sexiest actors today.

Ganito kung ituring ng marami si JC Tiuseco.  Sabi nga ng mga girls and even gays na kinikilig sa kanya... chest at abs pa lang niya... ulam na!

At dahil malakas ang hatak ng kanyang sex appeal, hindi nagdalawang-isip ang GMA-7 na bigyan siya ng break matapos nitong manalo sa kauna-unahang edisyon ng Survivor-Philippines.

Siya rin ang isa sa paboritong leading men ng mga Kapuso young actresses na inilo-launch bilang bida sa isang serye. 

Una na nga kay Jackie Rice sa Sisid.  Sumunod ay kay Sarah Lahbati sa Kokak.

"I'm happy na binibigyan ako ng GMA ng chance para sa mga gano'ng roles," ani JC in a recent interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa kanya.

"Siyempre parang... medyo happy ako na nakikita nila na nag-i-improve din naman ako. 

"At sana nga, magtuloy-tuloy lang.  So far, kuntento naman ako sa suportang ibinibigay ng GMA sa akin ngayon.

"Pero alam ko rin na ang dami ko pang kailangang matutunan. At iyon ang pinagpupursigihan ko ngayon para mas mag-improve pa."

Tatanggap ba siya ng gay roles na may kissing scene sa kapwa lalake?

"Hindi siguro muna.

"Uhm... siguro pagtagal-tagal, puwede.

"Pero sa ngayon, hindi pa.  Kasi ang dami ko pa ngang kailangan matutunan."

Sa palagay niya, ano pa ba ang kulang sa kanya?

"More experience as an actor siyempre.  Hindi pa naman gano'n kadami ang mga projects na nagawa ko.  So I think I need more experience pa."

1  2  3  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

1 Comment

  • Lokotoy

    01/08/2012 | 06:34 AM
    Strike the iron while it is hot....in demand ka now kaya galingan mo naman ss pag arte.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About