Pauleen Luna's mom issues statement about Vic-Pauleen rumors

Gorgy Rula
Sunday, January 08, 2012 @ 09:43AM  |  143712 views

Apektado na ang magulang ni Pauleen Luna (photo above) dahil hindi nila matanggap na pagbintangang "gold digger" o "manggagamit" ang kanilang anak. Nuong kamakalawa lang, naglabas ng statement ang ina ni Pauleen na si Mrs. Chat Luna. Ayon sa kanyang statement, "the new house she is building [is] from her savings—contrary to the speculations that it was a gift. We would like to extend our regrets to Mr. Vic Sotto for being dragged in this issue."

 

 

Photo By: Noel Orsal













Kahit hindi nagsasalita sina Vic Sotto at Pauleen Luna tungkol sa isyu sa kanilang dalawa, may mga intriga pa ring naglalabasan na hindi maiwasang nakakaapekto sa young actress.

Isa na rito ang nakakaintrigang tweet ni Oyo Sotto, na sa duda ng karamihan ay tumutukoy sa Vic-Pauleen isyu.

Nung December 4 ay nag-post si Oyo sa kanyang Twitter account VSotto12 ng: "Ang dami talagang mukang pera... ang daming lumalandi! Nakakalungkot (hindi sa akin) Haay nako...."

Sinundan pa nito ng ilang beses niyang sinulat na "respeto lang."

Kaya naglabasan ang intrigang tutol daw ito sa pakikipagrelasyon ng kanyang ama kay Pauleen.

Naging isyu ito dahil sa lumabas ding kuwento na idinaan daw ni Vic sa mga regalo ang panliligaw sa young actress.

Kaagad itong itinanggi ni Pauleen dahil minsan lang daw siya nakatanggap ng regalo mula sa comedian/TV host at ito raw ay nuong nakaraang birthday niya.

Ayaw na sanang palakihin pa ito ni Pauleen, kaya lang naaapektuhan siya dahil lumalabas siyang materialistic, gawa nang patuloy daw na pagreregalo sa kanya ni Vic.

Sinagot niya ito sa Startalk, at ang sumunod nuon, may ipinost na naman si Oyo sa kanyang Twitter account: "Kung nasaktan ka, ikaw yun."

Ang latest, na-deactivate ang BBM (BlackBerry Messenger) ni Pauleen dahil iniiwasan na lang nitong makatanggap ng kung anu-anong mensaheng pinatatamaan siya.

Ayaw na rin daw niyang mag-post ng kung anu-ano sa kanyang BBM at baka bigyan na naman daw ng ibang kahulugan.

Pati ang pagti-tweet ay tinigil na rin nito at iniiwasan na rin niyang magbasa ng mga tweets.

Pero apektado na ang magulang ni Pauleen dahil hindi nila matanggap na pagbintangang "gold digger" o "manggagamit" ang kanilang anak.

Nung kamakalawa lang, naglabas ng statement ang ina ni Pauleen na si Mrs. Chat Luna at ipinadala niya ito sa Startalk.

Narito ang kabuuan ng statement na ipinadala nito bilang pagtatanggol sa kanyang anak:

1  2  Next »

Related Articles

217 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name