Muling nagbalik si Kris Aquino sa Sunday showbiz talk show ng ABS-CBN na The Buzz kahapon, January 8.
Kadarating lang ni Kris mula sa bakasyon niya sa New York, kasama ang mga anak na sina Josh at Bimby at mga kaibigang sina John "Sweet" Lapus at Liz Uy.
Sa kanyang interview segment ay may ipinakitang video kung saan binalikan ang kanyang tagumpay bilang TV host, actress, at product endorser.
Pero sa huli raw ay "empty" pa ring masasabi ang kanyang buhay dahil sa pag-ibig.
Kaya naman sa live interview sa kanya ni Boy Abunda ay binuweltahan ni Kris ang staff ng programa sa tonong nagbibiro:
"Alam mo, may over-writing ang The Buzz.
"Parang kailangan n'yo talagang ipamukha at iparamdam sa akin na 'Hoy, loveless ka!'
"Oo, ewan ko sa inyo!
"Ang bait ko naman sa inyo, ang generous ko sa inyo.
"Bakit ganyan? Why?"
Sagot naman ni Boy, "Karinyo-brutal. Ganoon lang yun. That's the best way to spread love."
Sagot ni Kris dito, "Paano ninyong na-express ang love sa akin?
"Parang ipinamukha ninyo sa akin na, 'Hoy, ang daming na-link sa 'yo, pero ni isa riyan, hindi totoo!'"
SEGUNDA MANO. Pagkatapos nito ay nagpasalamat si Kris sa mga sumumporta sa pelikula nila ni Dingdong Dantes, ang Segunda Mano.
Pumangalawa ang pelikulang ito sa talkilya sa pitong kalahok sa Metro Manila Film Festival this year.




0

