Maganda ang pasok ng 2012 para sa Kapuso young actor na si Enzo Pineda dahil pasok siya sa ilang projects ng GMA-7.
Kasama na rito ang dalawang pelikula ng GMA Films: Just One Summer nina Julie Anne San Jose at Elmo Magalona, at My Kontrabida Girl nina Rhian Ramos at Aljur Abrenica.
Glowing nga ang mukha ni Enzo nang kumustahin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang kanyang career noong 2011 at sa nakini-kinita niyang magiging daloy ng kanyang propesyon bilang artista ngayong 2012.
"Masaya... masaya!" bulalas niya habang nakangiti.
"Actually, just last month, I did a TVC [TV commercial] for a fastfood chain.
"So, happy ako dahil I also did another commercial for a food chain last Christmas.
"Pero yung TVC for a fastfood, this year [ipalalabas].
"I'm happy that my career is doing well and I'm looking forward for more projects to come.
"So, happy ako sa mga nangyayari."
NEXT IN LINE. Marami ang nagsasabing si Enzo na ang susunod na ibi-buildup ng GMA-7 sa kategorya ni Aljur Abrenica.
Ano ang reaksiyon niya rito?
"Wow!" sambit niya.
"Siyempre, it's a big honor for me, lalo na si Aljur ay isa sa mga sumikat na artista na galing sa StarStruck katulad ni Mark Herras.
"I'm happy to be next in line."
Handa na ba siyang malantad sa mas maraming intriga at pambabatikos ng mga susulpot na detractors niya kung saka-sakali?




0

