Halatang kagigising lang ni Sid Lucero nang makaharap at makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang press sa taping ng Amaya noong Biyernes, January 6, sa Marilao, Bulacan.
Sa epicseryeng ito ng GMA-7, ginagampanan ni Sid ang papel ni Bagani.
Siya ang love interest ni Marian Rivera bilang si Amaya.
Ngayong tatlong gabi na lang sa ere ang Amaya, ano nga ba ang nararamdaman ni Sid?
"Of course, I feel sad," sambit ng aktor.
"Halos isang taon na kaming magkakasama. Almost every day, ito ang ginagawa namin.
"Tapos, kahit nga one hour or two hours away lang ang location, pero feeling ko, galing ako sa ibang bansa.
"Lalo na kapag ang location sa Pagsanjan, Laguna. Kasi, mukha talaga siyang town.
"Tapos ang mga talents, hindi nagpapalit, buong araw naka-costume.
"Tapos yung iba, naka-standby sa set."
Mami-miss daw niya ang lahat sa Amaya.
"I will miss the entire thing.
"Ngayon pa nga lang, nami-miss ko na palagi ang dalawang kasama kong character. Hindi ko na sila nakakasama," sabi niya.
MARIAN AND GLAIZA. Napangiti naman si Sid nang tanungin namin kung si Amaya, o si Marian, ay kasama rin sa mami-miss niya.
Sabi niya, "Oo naman! Almost everyone."




0

