Claudine Barretto and husband Raymart Santiago fly to Italy on January 24 for their second honeymoon

Rommel Gonzales
Tuesday, January 10, 2012 @ 03:07PM  |  27069 views

Claudine Barretto on her career this 2012: "Dalawa na ngayon yung manager ko, so maraming plano sa career ko this 2012, so I'm really excited. So, sa mga fans ko, sana maging mas excited na kayo sa maraming projects na gagawin natin sa taon na ito."

Photo By: Noel Orsal













Sisimulan ng mag-asawang Claudine Barretto at Raymart Santiago ang 2012 sa pamamagitan ng kanilang second honeymoon.

Ayon kay Claudine, sa taped interview sa kanya ng Showbiz Central noong Linggo, January 8, "Aalis kami this January...this month, for Italy. Oo, on January 24.

"Pinlano namin iyon para makapag-bonding kami kasi hindi pa .. parang once pa lang kami nakapag-spend time na kaming dalawa lang, na yung 10-day trip namin in Bangkok.

"Lagi kasi kasama yung mga bata.

"Pati nung honeymoon namin sa Amanpulo, kasama pa rin namin si Sabina.

"So, parang ngayon, naisip namin na oras naman para yung kaming dalawa lang talaga.

"Para talagang makapag-bonding and to really spend time talaga together."

Bagamat nabalot ng kontrobersiya ang 2011 nina Claudine at Raymart, naging masaya naman daw ang holidays nilang mag-asawa.

"Siguro medyo...medyo masaya lang, masaya lang itong Pasko lalo na yung New Year.

"Kasi, kami lang nina Raymart at yung dalawang anak namin at yung staff namin.

"'Tapos, sinelebrate namin yung sa farm namin sa Tanay and dun kami nag-fireworks.

"It was really magical for our children to see that.

"Talagang nakapag-bonding kami," kuwento pa ni Claudine.

Isa pang tinik na nabunot mula kay Claudine ay ang pagkakabati raw nila ni Gretchen Barretto, na dumamay sa kanya sa kasagsagan ng kanyang mga problema.

"Sa dami ng pinagdaanan ko ng 2011, having my sister back in my life outweighed parang lahat ng mga pinagdaanan ko.

1  2  Next »

Related Articles

28 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name