Ritz Azul says she's always been open to suitors but, "Wala, e. Walang nanliligaw."

Demai G. Sunio-Granali
Tuesday, January 10, 2012 @ 08:30PM  |  7264 views

Eighteen years old na bukas, January 11, si Ritz Azul, kaya naman mas maluwag na siyang tumanggap ng manliligaw ngayon. Posible ring pumasok siya sa isang relasyon. Pero kahit na bukas si Ritz sa posibilidad ng pag-ibig, tila nalulungkot siya dahil noon pa man ay walang umaakyat ng ligaw sa kanya.

 

Aniya, "Sabi ko nga, 'Ano ba'ng meron sa 'kin, bakit ang aloof ng mga boys sa 'kin? Hindi naman ako ganoon kapangit.' Yun yung naiisip ko. So, talagang puzzle, parang mystery, para sa akin 'yon."

Photo By: Noel Orsal













Bukas, January 11, ay 18 years old na ang Kapatid actress na si Ritz Azul.

Pero hindi tulad ng ibang dalaga na nangangarap magkaroon ng magarbong party o cotillion sa kanilang debut, mas pinili ng Glamorosa star na ipagdiwang ito kasama ng mga bata sa kanilang lugar sa Pampanga.

Doon ay kagawad siya ng Sangguniang Kabataan.

"Mas gusto ko sanang magbigay lang sa mga bata, instead na ibigay lang sa cotillion, gastos.

"Ibigay na lang sa mga bata, at least makikinabang pa sila," saad niya.

Kahit noong bata pa lang daw si Ritz ay hindi niya pinangarap magkaroon ng isang magarang debut.

Nagbiro pa ang aktres na kung pagsusuot lang naman ng gown o pakikipagsayaw sa mga binata sa 18 roses dance ang habol niya, nakaranas na raw siya ng mga ito sa kanyang mahigit isang taon sa showbiz.

Nagpapasalamat lang siya nang husto sa kanyang TV5 family dahil ginawa nilang espesyal ang kanyang birthday ngayong taon.

Sa naganap na press conference ng Glamorosa kaninang tanghali, January 10, sa Casa Filipino restaurant sa Quezon City, sinorpresa siya ng PR staff ng TV5 ng isang cake at inawitan din ng "Happy Birthday" ng mga press.

Napaluha pa nga siya habang nagpapasalamat sa lahat ng tulong sa kanyang career ng mga taong nasa paligid niya.

BOYFRIEND AT 18? Ngayong dalaga na si Ritz, handa na rin kaya siyang pumasok sa isang relasyon?

May nanliligaw na ba sa kanya ngayon?

"Wala, e. Walang nanliligaw.

"Ewan ko nga, e, feeling ko natatakot sa akin yung mga lalaki," sabi niya.

Ano sa tingin niya ang dahilan nito?

1  2  3  Next »

Related Articles

12 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name