news

Angel Locsin and Marian Rivera to star in a movie together?

by Erwin Santiago posted on January 10, 2012  STATS: 118285 Views | 1563 Comments

 

The buzz going round in showbiz circles is that Angel Locsin (left) and Marian Rivera (right) will star together in a movie. The idea reportedly came from Regal matriarch Lily Monteverde. Problem is, the two famous actresses work in rival networks and different film outfits.

Photo By: Sany Chua & Noel Orsal

Angel Locsin at Marian Rivera, magsasama sa isang pelikula?

Ito ngayon ang maugong na usap-usapan sa umpukan ng mga taga-showbiz, na pagsasamahin daw sa pelikula ang dalawa sa pinakasikat na female stars sa bansa.

Pero may mga nagsasabing malabo itong mangyari dahil nagtatrabaho ang dalawang aktres sa magkalabang networks.

Si Angel, 26, ay nasa bakuran ng ABS-CBN; samantalang si Marian, 27, ay contract star ng GMA-7.

Bukod sa nakakontrata sila sa magkaibang TV networks, magkaiba rin sila ng film outfits na pinaglilingkuran.

Si Angel ay may kontrata sa Star Cinema ng ABS-CBN, at si Marian naman ay nakapirma sa Regal Entertainment ngunit maaaring gumawa para sa GMA Films ng Kapuso network.

Sa kabila nito, may mga naniniwalang hindi imposibleng magsama sa isang pelikula sina Angel at Marian.

Nauuso na rin kasi ngayon ang collaboration sa pelikula ng mga contract star mula sa ABS-CBN at GMA-7.

Ang pinakahuli nga ay ang boyfriend ni Marian at kapwa niya Kapuso na si Dingdong Dantes, na nakipag-collaborate sa ABS-CBN star na si Kris Aquino sa pelikulang Segunda Mano.

 

Upang kumpirmahin ang report na ito tungkol sa pagsasama diumano nina Angel at Marian, nagpadala ng magkahiwalay na text message ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa managers ng dalawang aktres kaninang hapon, January 10.

Ayon sa manager ni Marian na si Popoy Caritativo, ideya raw ni Mother Lily Monteverde ng Regal Films ang pagsasama ng alaga niya at ni Angel.

Sabi ni Popoy, "Marian and I are open to [it], pero wala pa talagang napag-uusapan."

Dagdag pa ng manager ni Marian, ang inaayos daw ngayon ni Mother Lily ay ang pelikula ng aktres na pagtatambalan nila ni Aga Muhlach.

Samantala, ayon naman sa manager ni Angel na si Manay Ethel Ramos, hindi pa sila nakakapag-usap ni Malou Santos.

Si Ma'am Malou ang presidente ng Star Cinema kung saan nakakontrata ang aktres.

Incidentally, si Manay Ethel din ang manager ni Aga.

1  2  3  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

1563 Comments

  • 703  young28

    01/11/2012 | 07:54 AM
    REPLACING MARIAN? Sa pagiging bagong mukha ng SMDC naman ni Anne, may nang-intriga agad na pinalitan na raw niya si Marian Rivera bilang endorser ng SMDC. "Hindi ko siya pinalitan, in all fairness. I was just added to the SMDC family. "Kami ni Marian, we're okay. There has never been an issue. I don't think anyone should make an issue out of it. Hindi rin naman maiiwasang gawan ng issue ng ilang naroon na press ang pagiging bagong endorser ni Anne. Masyado kasing engrande ang pagpapakilala sa kanya ng SMDC. Dumating si Anne sa event na nakasakay sa isang mamahaling luxury car. Pinagkaguluhan ng Hollywood-style paparazzi habang bumababa sa sasakyan at naglalakad sa red carpet. Pagkatapos ay hinarana papuntang stage ng ilang kalalakihang singers. At nang sinundo ni Christian Bautista patungo sa stage ay kinantahan pa rin siya with matching full-orchestra pa. Pero aminado si Anne may pressure sa kanya bilang bagong endorser ng SM Residences. "Of course, there is pressure. People try and make an issue
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 702  Lord_Amstel

    01/11/2012 | 07:49 AM
    Ipinagyabang ang My Beloved eh ginawa lang namang pang tapal sa butas si Marian dahil ang totoo hindi para sa kanya yan kaso nagkaroon ng conflict ang unang gagawa nyan tapos ang pangalawa na gagawa nyan nagkaroon ng bad issue with Mo twister kaya wala na silang ibang artista na sikat daw sa istasyon nila kaya kinuha si Marian after ng AMaya. Sa ABS di yan mangyayari dahil marami silang mga bigatin at magagaling na mga artista.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 701  young28

    01/11/2012 | 07:43 AM
    yung mga planu sa career ni angel wag munang magyabang baka hindi matuloy...nganga kayo...buti na lang ang aming marian...may MY BELOVED agad...sasakit na naman ulong kapams nito kung anung itatapat nla sa DD and MR tandem...hehehe
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 700  young28

    01/11/2012 | 07:40 AM
    GOOD MORNING EVERYONE...ayoko sana makipagdebate kaso lang la na kwenta yung pinagsasabi nyo tungkol kay marian...namimintas na kayo akala nyo ang gaganda nyo lahat...panu nyo nasabi na flop lahat ng movies ni marian?anu bang basihan nyo ng blockbuster yung aabot ng 200million para masabi na box office?pasalamat lang c angel mga box office king yung mga nakasama nya...remember yung solo movie nya?SUPER FLOP mas malaki pa nga yung kita sa tarot na movie ni marian... and about SMDC c anne curtis na nagsabi na hindi nya pinalitan c marian dinagdag xa with shaina magdayao..for sure after ni anne, c shaina na naman yan...nakita ko pics nlang tatlo sa album ng fanpage sa fb ni marian...andun yung talo nung mag open ang SMDC...kaya mga mr haters wag magsalita kung hindi cgurado napaghahalata lang yung pagiging mapait nyo....
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 699  Lord_Amstel

    01/11/2012 | 07:40 AM
    Solohin na lang ni Marian ang movie na pinirmahan nya wag na silang mag offer kay Angel. Dapat gawin na lang nila ng part 2 ang Tarot or yung SUper Inday and the Golden Bebe part 2. or yung Nieves na na shielved na dapat sanang gawin nya after pinalabas ang Tarot nya. Wag na nilang idamay si Angel sa Movie ni Marian dahil si Angel may plano gumawa ng Movie with Richerd G. at may offer at plano ang Star cinema pa with Ate Vi. At may gagawin pa syang Teleserye this year with Derek Ramsey. Hindi na kailangan ni Angel yan..may Unofficially Yours pa sya ng Valentines offering ng Star CInema with JLC.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 698  rhapsody123

    01/11/2012 | 07:36 AM
    he he he, I'm amused once again. Mother Lily is targeting Angel to do a movie with Marian, the flop queen of all time. This is one proof that Marian can't stand alone. She needs a superstar like Angel to save her career. Huwag Angel, huwag mong tanggapin ang alok ni Mother Lily. Kaya nga ang daming comments dito, excited na excited ang mga pans dahil gusto rin nilang maka boxoffice ang idol nilang panay flop. Angel doesn't need Marian, baka pa nga hilahin niya pababa sa boxoffice. Alam niyo na, malas yang babaeng yan. who would think that Bong's Panday 2 would land on the third spot .Kagagawan kasi ni Marian kaya nangyari. Marian is no doubt a boxoffice poison!!! Kaya huwag mong tanggapin Angel.!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 697  lovelike

    01/11/2012 | 07:30 AM
    well, they are both grown-up talent from KAPUSO...at sumikat talaga because of there talent. Pero mas gusto ko ang umpisa sa kasikatan ni MARIAN, sumali lang sya sa AUDITION for MARIMAR at pinakita nya ang kanyang galing sa acting, sayaw, right costume, right attitude, confidence, beauty and innocence!!! YOU CAN SEE MARIAN KUNG BAKIT NAPAILI SYA BILANG MARIMAR sa YOUTUBE!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 696  Lord_Amstel

    01/11/2012 | 07:29 AM
    Solohin na lang ni Marian ang movie nya tutal pinirmahan naman nya yan kay Mader Lily, kontrata yan ni Marian na dapat sundin na gumawa ng Movie wag na nilang idamay sa movie nya si Miss Angel Locsin. Solohin na lang nya yan..Puede naman gumawa si Miss Angel Locsin ng movie kay Mader Lily pag pinayagan ng Star Cinema at dapat not with Marian.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 695  pantas_uno

    01/11/2012 | 07:18 AM
    719, tama they are both worth emulating. galing nilang mag handle ng kanilang finances.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 694  EmilyB19

    01/11/2012 | 07:16 AM
    Kung pagsasamahin sila, sana isang action movie nga. Yung parang Charlie's Angels, na ma-action pero may comedy din. Yung leading men, dapat extra lang, or wala. It will need a very good story, script and director.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 693  EmilyB19

    01/11/2012 | 07:13 AM
    Oh come on, people... Give Marian and Angel a break! Huwag na sila pagsabungin at huwag na mag-away ang fans nila. They're both successful and loved by many, obviously. Both sumikat dahil nabigyan ng magandang opportunities. Si Angel, hindi naman mapapansin kung hindi namatay ang bf nya. Si Marian, hindi makakapag-audition kung hindi nabakante ang role sa Marimar. Now na very successful sila, respeto dapat sa hard work nila and supportahan sila. Magkaiba ang personalities nila and magkaiba ng decisions sa career. Both at the top of their games, and both sikat na sikat. Walang laos sa kanila. I admire them for their staying power. Dapat mag-ipon sila habang maraming work and make the right decisions even pagdating sa lovelife.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 692  pantas_uno

    01/11/2012 | 07:05 AM
    wow parehong bigatin na artista at may kanya kanyang retarded na fanatics, riot ito pag nagkataon! lol
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 691  Ehh

    01/11/2012 | 07:05 AM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 690  malaya2007

    01/11/2012 | 07:03 AM
    sana wag na lang ituloy. Si angel naman kayang magdala ng pelikula kasi yung fans nya willing gumastos si MR kuripot ang fans, kung skaling kikita ang movie for sure galing sa fans ni angel.Sa dami daming pelikula ni MR mostly pinalabas pa sa MFF maraming pera ang tao that time, halos kulelat. Magaling lang sa pang-aasar both camps ang kaibahan lang magaling ding gumastos ang fans ni angel. Sana si anne at angel na lang magsama, parehong galante ang fans kita nyo naman ang album ni anne kahit semplang ang boses gold.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 689  Lord_Amstel

    01/11/2012 | 07:02 AM
    Hindi kailangan ni Angel ang movie with Marian...May incoming movie si Angel with JLC ang unofficially yours at valentines offering film ito ng Star Cinema tiyak tatabo ito sa takilya. May offer pa ang star cinema sa kanya at tambalan nila ni ATe Vi, tapos meron pang plano about sa movie with Richard Gutz. Meron din syang gagawing teleserye this year with Derek Ramsey, maraming sikat na stars ang ABS kaya kailangan magbigayan ng timeslot hindi kagaya sa GMA isa lang ang maituturing sa kanila na kilala na mga tao sa pagka nega kaya walang ibang mapagpilian. Kailngan ni Mader si Angel para sa film nyang ibigay kay Marian para hindi sya malugi kagaya ng Tarot, SUper Inday at temptation Island. Alam din ito ni Popoy na makakatulong ito sa nalalaos na career ni Marian kaya Open sila sa ganitong usapan. Alam ng mga fantards at ni popoy na hindi na kasing sikat si Marian gaya ng dati, naramdaman nila yan syempre sa mga pelikulang flops nya at mga naglahong endorsement.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 688  Lord_Amstel

    01/11/2012 | 06:45 AM
    705 FantaziaDLipz January 11, 2012 06:04 AM malaki ang nalugi sa ABS CBN sa pagkuha kay Angel. All hype pero lahat ng serye niya, FLOP. Ang malungkot, lahat ng partners niya, NALALAOS. No wonder walang ibang role na maibigay ang ABS CBN sa kanya kung hindi bilang TAONG ASO. --------------------------Paano naging malaki ang lugi ng ABS CBN? ang Imortal nya 1st week ng airing nag place ng worth 250 million ads ang P and G. In the Name of Love na Movie nya box office hit. Facebook nya 2.5 million folowers, twitter nya more than 1.2 million followers. incoming unofficially yours na movie nya after mapalabas ang trailer trending topic ng 2 days sa twitter. Till now may mga endorsement pa syang bagong napirmahan at nag renew. At ngayon gustong kunin ni mader or gustong gusto ni mader na gumawa si Angel ng movie para isama sa movie na gagawin ni marian kay mader na isa sa mga movie na pinirmahan nyang gagawin.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 687  westbourne

    01/11/2012 | 06:44 AM
    711 so agree with u... yong iba dito hindi inisip.. kasi bulag na bulag sila sa katotohanan nga si mr my pinermahan contrata ni mader..kahit lugi o hindi... dapat tumarin ni mr ang naka saad sa contrata... yong mga fantard naman hapi sila kasi my movie daw every yr... ewan ko lng after ng contrata kung may movie payan....kung meron man once in a bluemoon nalang...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 686  shiela168

    01/11/2012 | 06:37 AM
    oh no..please don't. Marian Rivera is a JINX. FLOP na BANO pa..lahat ng makasama sa movies nadadamay. oh gee!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 685  Lord_Amstel

    01/11/2012 | 06:37 AM
    Hanggang ngayon meron paring mga fantard na hindi nakakaintindi kung bakit maraming mga movies na nagawa si Marian sa under Mader Lily ang Regal Films. Syempre pumirma sya ng kontrata at nakasaad kung ilang films ang kanyang gagawin. Gamitin sana ang utak, Mag flop man o hindi kailangang sundin ang nakasaad sa contrata. Kahit nag flop ng sunod sunod ang pelikula ni Marian ang Tarot at SUper Inday yet binigyan parin sya ng movie dahil yun ay pinirmahan nya pero hindi na solo movie kagaya ng Tarot at Inday kundi sinali na lang sya sa mga ibang artista kaya yun ang Temptation Island nya last na film under Mader Lily. Ngayon naman naghanap si Mader ng way na hindi na talaga malugi kay Marian kaya kailangan nya si Miss Angel Locsin para sa susunod na movie nya para kay Marian.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 684  henriettopex

    01/11/2012 | 06:32 AM
    uy si Marian Rivera at Mother Lily, naglalaway kay Angel Locsin
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About