news

Angel Locsin and Marian Rivera to star in a movie together?

by Erwin Santiago posted on January 10, 2012  STATS: 118129 Views | 1563 Comments

 

The buzz going round in showbiz circles is that Angel Locsin (left) and Marian Rivera (right) will star together in a movie. The idea reportedly came from Regal matriarch Lily Monteverde. Problem is, the two famous actresses work in rival networks and different film outfits.

Photo By: Sany Chua & Noel Orsal

Angel Locsin at Marian Rivera, magsasama sa isang pelikula?

Ito ngayon ang maugong na usap-usapan sa umpukan ng mga taga-showbiz, na pagsasamahin daw sa pelikula ang dalawa sa pinakasikat na female stars sa bansa.

Pero may mga nagsasabing malabo itong mangyari dahil nagtatrabaho ang dalawang aktres sa magkalabang networks.

Si Angel, 26, ay nasa bakuran ng ABS-CBN; samantalang si Marian, 27, ay contract star ng GMA-7.

Bukod sa nakakontrata sila sa magkaibang TV networks, magkaiba rin sila ng film outfits na pinaglilingkuran.

Si Angel ay may kontrata sa Star Cinema ng ABS-CBN, at si Marian naman ay nakapirma sa Regal Entertainment ngunit maaaring gumawa para sa GMA Films ng Kapuso network.

Sa kabila nito, may mga naniniwalang hindi imposibleng magsama sa isang pelikula sina Angel at Marian.

Nauuso na rin kasi ngayon ang collaboration sa pelikula ng mga contract star mula sa ABS-CBN at GMA-7.

Ang pinakahuli nga ay ang boyfriend ni Marian at kapwa niya Kapuso na si Dingdong Dantes, na nakipag-collaborate sa ABS-CBN star na si Kris Aquino sa pelikulang Segunda Mano.

 

Upang kumpirmahin ang report na ito tungkol sa pagsasama diumano nina Angel at Marian, nagpadala ng magkahiwalay na text message ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa managers ng dalawang aktres kaninang hapon, January 10.

Ayon sa manager ni Marian na si Popoy Caritativo, ideya raw ni Mother Lily Monteverde ng Regal Films ang pagsasama ng alaga niya at ni Angel.

Sabi ni Popoy, "Marian and I are open to [it], pero wala pa talagang napag-uusapan."

Dagdag pa ng manager ni Marian, ang inaayos daw ngayon ni Mother Lily ay ang pelikula ng aktres na pagtatambalan nila ni Aga Muhlach.

Samantala, ayon naman sa manager ni Angel na si Manay Ethel Ramos, hindi pa sila nakakapag-usap ni Malou Santos.

Si Ma'am Malou ang presidente ng Star Cinema kung saan nakakontrata ang aktres.

Incidentally, si Manay Ethel din ang manager ni Aga.

1  2  3  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

1563 Comments

  • 23  midnightblue

    01/10/2012 | 08:23 PM
    palagay ko hindi pa ito ang tamang panahon para pagsamahin sila. baka lalo lang sumiklab ang away ng mga fans.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 22  4627pw

    01/10/2012 | 08:16 PM
    Si NUMAN kala mo kung sino magsalita! pasalamat ka nga dapat kung itatambal yang idol mo kay MR para nmn mabuhay o marevive ang career nyang idol mo!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 21  Pedrohh

    01/10/2012 | 08:16 PM
    basta si mariane lilipat sa ABS baka ma like kuna xa hehehehe
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 20  bhezt_08

    01/10/2012 | 08:12 PM
    this is a big project.. Sana comedy para masaya.. Parehong network ang makikinabang d2.. Alisin muna ang network war d2..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 19  xenaako

    01/10/2012 | 08:00 PM
    No. 3 Korek ka jan. Can we just please stop the non sense! Magkaibigan yong mga idolo nyo, wag na kayong mag away-away pa. Pareho silang magaganda at my talent. Hindi naman cguro sila tatangkilikin ng mga tao kung wala silang mga talent. Lets just be happy about it na lang
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 18  Numan1

    01/10/2012 | 07:59 PM
    Hindi pwedi ang malas malas kaya ng isa dyan..... Please angel wag mong i accept yan bwhahahaaha
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 17  my_sayad

    01/10/2012 | 07:57 PM
    ebony and ivory. sa puti! sa itim! ang mestiza at ako.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 16  labkokapuso

    01/10/2012 | 07:56 PM
    kakaumpisa pa lng ng mga comment, may bitter agad? sana nmn all be positive.. mganda nmn ang idea na mgsama sila dba?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 15  labkokapuso

    01/10/2012 | 07:53 PM
    sana matuloy! pero i wish walang gulo sa mga fans ng isat isa..peace! btw, i like them both... smile
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 14  aaronick

    01/10/2012 | 07:51 PM
    Oh, really?! No, I'm just teasing. Hindi ako avid fan ng mga ito, pero para sa akin, magandang hakbang ito. Kasi dalawa ang posibleng mangyari dito. Either tuluyang matapos ang rivalry ng mga FANS or lalong lumaki ang hidwaan. Kung yung dalawa lang naman kasi ang tatanungin, wala naman problema sa kanila eh. Yung fans ang nagpapagulo. Sorry kung may tatamaan. But I think it's time for the fans of both celebrities to grow up. Talented naman at magaganda ang mga idol niyo. Civil naman sila at magkaibigan. Sana kayo rin.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 13  familytree

    01/10/2012 | 07:51 PM
    naku! ilalampaso ni angel si marian sa aktingan...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 12  xenaako

    01/10/2012 | 07:50 PM
    Great news.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About