Lani Mercado keeps mum on status of son Jolo Revilla's relationship with Kris Bernal; will take a break after Amaya

Rose Garcia
Wednesday, January 11, 2012 @ 10:47AM  |  1058 views

 

Lani Mercado on her children's lovelife: "Mabuti yung ipinapakilala. May mga times na itinatago. May times na ipinapakilala. Basta, pinapayuhan lang namin sila na huwag na munang masyadong seryoso."

Photo By: Noel Orsal













Naging abala ang actress-politician na si Lani Mercado sa pagtatapos ng 2011.

Bukod sa pagiging congresswoman niya sa Cavite, naging abala rin si Lani sa naging entry ng Imus Productions sa Metro Manila Film Festival 2011 na Panday 2, kunsaan bida ang mister niyang si Senator Bong Revilla. 

Pero hindi nagtapos sa taong 2011 ang pagiging busy ni Lani dahil pagpasok ng 2012, sunud-sunod naman ang taping niya para sa magwawakas na epic-serye ng GMA-7 na Amaya.

Kahapon, January 10, ang last taping day ng Amaya na hanggang sa Biyernes, January 13, na lamang mapapanood.

May sampung buwan ding tumakbo ang primetime series na ito ng Kapuso network.

Hindi na rin nakasama si Lani sa pagbabakasyon ni Senator Bong sa ibang bansa dahil sa commitment niya sa Amaya

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainemnt Portal) at iba pang press si Lani sa taping ng Amaya sa Marilao, Bulacan, noong January 6.

Aniya, "Heto, busy kami. 

"Ang akala ko, makakaalis ako ng January 5. E, hindi pala ako makakaalis ng January 5. 

"Sasama sana kami kay Sen [Bong] para magbakasyon.

"Kaya lang nga, paano ba naman magbabakasyon, tinatapos ito [Amaya].

"Tapos, kailangan ko rin hintayin si Jolo para sa pagpapa-check-up niya. 

"Isa pa, si Yna, manganganak ng a-treinta.

"So, obligado akong nandoon. 

"So, paano ko magagawa ang mga bagay-bagay na 'yan?" natatawang sabi niya.

1  2  3  4  5  6  7  8  Next »

Related Articles

Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name