news

Lani Mercado keeps mum on status of son Jolo Revilla's relationship with Kris Bernal; will take a break after Amaya

by Rose Garcia posted on January 11, 2012  STATS: 2565 Views | 6 Comments

 

Lani Mercado on her children's lovelife: "Mabuti yung ipinapakilala. May mga times na itinatago. May times na ipinapakilala. Basta, pinapayuhan lang namin sila na huwag na munang masyadong seryoso."

Photo By: Noel Orsal

Naging abala ang actress-politician na si Lani Mercado sa pagtatapos ng 2011.

Bukod sa pagiging congresswoman niya sa Cavite, naging abala rin si Lani sa naging entry ng Imus Productions sa Metro Manila Film Festival 2011 na Panday 2, kunsaan bida ang mister niyang si Senator Bong Revilla. 

Pero hindi nagtapos sa taong 2011 ang pagiging busy ni Lani dahil pagpasok ng 2012, sunud-sunod naman ang taping niya para sa magwawakas na epic-serye ng GMA-7 na Amaya.

Kahapon, January 10, ang last taping day ng Amaya na hanggang sa Biyernes, January 13, na lamang mapapanood.

May sampung buwan ding tumakbo ang primetime series na ito ng Kapuso network.

Hindi na rin nakasama si Lani sa pagbabakasyon ni Senator Bong sa ibang bansa dahil sa commitment niya sa Amaya

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainemnt Portal) at iba pang press si Lani sa taping ng Amaya sa Marilao, Bulacan, noong January 6.

Aniya, "Heto, busy kami. 

"Ang akala ko, makakaalis ako ng January 5. E, hindi pala ako makakaalis ng January 5. 

"Sasama sana kami kay Sen [Bong] para magbakasyon.

"Kaya lang nga, paano ba naman magbabakasyon, tinatapos ito [Amaya].

"Tapos, kailangan ko rin hintayin si Jolo para sa pagpapa-check-up niya. 

"Isa pa, si Yna, manganganak ng a-treinta.

"So, obligado akong nandoon. 

"So, paano ko magagawa ang mga bagay-bagay na 'yan?" natatawang sabi niya.

1  2  3  4  5  6  7  8  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

6 Comments

  • swissmatz

    01/15/2012 | 01:39 PM
    I love u Dal ang. I'm gonna miss the show amaya. Keep up the good work Lani. More power to you.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • Xray

    01/11/2012 | 02:37 PM
    Busy raw siya, lahat na lang binanggit pati lovelife at tapings at MMFF entry nila. Tsaka pa lang nabanggit ang public service nung sinabing basta raw hindi ma-apektuhan sa election dahil syempre tsaka pa lang kikilos para babango ang pangalan ulit at ng ma-re-elect na naman. Hay, ang cavite lahat na lang revilla ang may hawak, baranggay tanod, to capitan, to mayor, to governor, to congressman, senator, etc. kung hindi pinsan, tatay, asawa or anak. Syempre sila-sila rin lang ang makikinabang sa pondo dahil ginagawang negosyo ang politics kaya ayan at walang improvement ang cavite. Mga paaralan sa Imus ni walang matinong toilets at computers para sa mga bata.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • trinoma_rat

    01/11/2012 | 02:19 PM
    magpahinga ka muna ng matagal-tagal sa showbiz, kasi may trabaho ka sa kongreso.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • jella89

    01/11/2012 | 12:41 PM
    Corect! Ang anak nya ang pagsabihan kung seryoso ba o hindi. Sana lang maiwasan na ang panloloko sa mga babae. Kung hindi totohanin wag na ring paasahin, lalo wag gagalawin para maiwasan ang wala sa panahong buntisan.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • landstown

    01/11/2012 | 11:57 AM
    magagaling lahat sila sa amaya.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • merlion_25

    01/11/2012 | 11:53 AM
    Long live Amaya!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About