Coco Martin on prediction he will father Kris Aquino's child: "Siguro malabong mangyari 'yon."

Nerisa Almo
Wednesday, January 11, 2012 @ 04:11PM  |  2363 views

 

Coco Martin says it's hard for him to be in a romantic relationship right now. He explains, "'Yon nga ang 'kinatatakot ko, baka kapag nahaluan ng relasyon, napapabayaan ko na ang trabaho ko. Wala, mahirap. Hindi ko kayang hatiin, e. Hindi ko kayang pagsabayin."

 

Photo By: Noel Orsal













Malabo raw mangyaring magkaroon ng relasyon sina Coco Martin at Kris Aquino.

Naging usap-usapan kasi ang hula kay Kris Aquino na magkakaanak siya ngayong 2012—at ang magiging ama ng kanyang anak ay ang tinaguriang Prince of Local Indie Films.

Pero hindi raw binigyan-pansin ni Coco ang hula.

"Siyempre, kanya-kanyang prediksyon naman 'yon, kanya-kanyang hula ng mga tao.

"Sabi ko nga, napakalaki ng respeto ko kay Ms. Kris at sa pamilya Aquino.

"Siguro malabong mangyari 'yon," nakangising sabi ni Coco.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media si Coco sa press conference ng Walang Hanggan kagabi, Enero 10, sa 9501 restaurant sa ABS-CBN compound, Quezon City.

Hindi rin daw sineryoso ng aktor ang sabi ni Kris na: "Maghanda ka na!"

Binitawan ni Kris ang salitang ito nang mag-guest siya sa Gandang Gabi Vice noong Linggo, January 8.

Ayon kay Coco, "Nagbibiro lang 'yon. Palabiro 'yon, e."

Diin pa ng aktor, "Parang pamilya na rin kasi ang turing sa akin ni Ms. Kris.

"Kumbaga, ate ko 'yan, e. Parang respeto ko 'yan, parang imposible. Sobrang malabo."

Ayon kay Coco, totoong naging mas malapit siya kay Kris, na dating co-star niya sa teleseryeng Kung Tayo'y Magkakalayo

WORK FIRST. Diin pa ni Coco, wala talaga siyang panahon ngayon na makipagrelasyon dahil sobrang abala siya sa trabaho.

Bukod sa halos araw-araw na taping para sa Walang Hanggan, mayroon pa rin siyang paminsan-minsang out-of-town show.

1  2  3  Next »

Related Articles

45 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name