Noong Linggo, January 8, ay sabay na nag-celebrate ng kanilang birthday sa ASAP 2012 ang dating magkasintahan na sina Melissa Ricks at Jake Cuenca.
Si Melissa ay nagdiwang ng kanyang 22nd birthday noong January 9, samantalang si Jake ay nag-24 noong December 30.
Kaugnay nito, may lumabas na balita na nag-iiyak daw si Melissa pagkatapos ng double birthday celebration nila ni Jake sa musical-variety show ng ABS-CBN.
Na-offend daw kasi ang young actress sa ginawang panunukso sa kanila ng ilan sa mga hosts ng ASAP habang ini-interview sila nang sabay.
"IT'S WRONG." Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Melissa sa grand presscon ng Walang Hanggan kagabi, January 10, inamin niyang nasaktan siya nangyari at tuluyan nang umiyak.
Saad ng young actress: "I got upset.
"It's my birthday and after nung prod [production number] namin, 'pinagsama kami sa stage, that's fine.
"I was not told na yun ang mangyayari, may tuksuhan.
"I think it's wrong. I think they shouldn't have done that on my birthday.
"I think hindi nila naiintindihan kung ano ang nangyari.
"Ang mga hosts, nag-sorry sila sa akin.
"I do not find it amusing. I do not find it funny anymore.
"I know he's [Jake] moving on; ako, I'm moving on. Yun na lang."
Ang magkasintahang sina Billy Crawford at Nikki Gil ang nag-interview kina Melissa at Jake pagkatapos ng magkahiwalay nilang production numbers.
Ipinakita naman sa camera ang iba pang kasama sa ASAP 2012 na tila kinikilig at sumisigaw ng "Kiss! Kiss!" habang ini-interview nang sabay ang dating magkasintahan.




CALLED OUT
ALL COMMENTS
41 philippineeagle
40 philippineeagle
39 marina28
38 kazumi_yumi
37 freemind24
36 candidness
35 BERNARD2010
34 karipunat
33 naimas222011
32 naimas222011
31 gossip90
30 song751
29 wallflower
28 MissHugoBacungan
27 naimas222011
26 naimas222011
25 giantoptics
24 hooney
23 gjoel
22 chechelarue
more comments