Sheena Halili on Rocco Nacino being paired with Kylie Padilla: "Basta ako, magiging totoo na lang ako sa nararamdaman ko. Siguro nasa sa aming dalawa na lang yun—nasa kanya at saka ako. Pero ako, trabaho 'yan, siyempre ayoko namang maging kontra sa trabaho niya."

Photo: Noel Orsal

Sa pagtatapos ng Amaya ngayong Biyernes, January 13, isa sa labis na apektado ay si Sheena Halili na gumaganap bilang Ahak sa epic-seryeng pinagbibidahan ni Marian Rivera.

"Malulungkot ako kasi ang tagal.

"Parang 'yung last ako naging ganito katagal, yung Marimar ko, e, tapos ito ulit. Kay Marian ulit.

"Tapos ito kasi, maganda yung bonding ng mga artista at 'yung staff," kuwento ni Sheena nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa taping ng Amaya sa Marilao, Bulacan noong January 6.

Nagkasama rin sina Sheena at Marian sa Marimar.

MARIAN'S ADVICE. Ano pa ang mami-miss niya sa Amaya?

"Mami-miss ko yung mga payo ni Marian.

"Si Marian kasi, ang galing mag-advice niyan, e, tsaka si Direk Mac [Alejandre].

"Yung pagkanta-kanta niyan, kumakanta 'yan sa mike, e.

"Kaya iyon, nakakalungkot."

Ano ang pinakamagandang advice na ibinigay sa kanya ni Marian?

"Mag-invest ako, mag-invest ako.

"Hindi importante kung ano ako ngayon, ang importante kung ano magiging ako in the future."

So, ano ang investment na gagawin ni Sheena?