Napag-alaman ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) mula kay Geoff Eigenmann na halos magkasabay lang daw ang kontrata nila ng girlfriend niyang si Carla Abellana sa GMA-7.
Ikatlong taon na rin daw niya ngayon sa Kapuso network magmula nang lumipat siya mula sa ABS-CBN.
Ang unang naging primetime series ni Geoff sa GMA-7 ay ang Rosalinda, kung saan naging leading man siya ng bagong lunsad noong si Carla.
Madalas kasing natatanong si Geoff tungkol sa balitang paglipat ng network ng kanyang girlfriend.
Sabi naman ng young actor, sa March nga ay magtatapos na rin ang kontrata niya sa GMA-7.
Pero sa desisyon kung magre-renew siya o hindi, o kung lilipat din siya ng network, ipinuubaya na raw niya sa kanyang manager na si Perry Lansigan.
Saad ni Geoff, "In all honesty, hindi pa kami nagkakausap ni Perry.
"Pero ang alam ko, meron nang nangyayari, meron nang pinag-uusapan. But I'm not really sure.
"Pero ang alam ko, meron na, there's an offer.
"I'm not sure from who, but there is.
"Sabi naman niya [Perry], I have nothing to worry about.
"Kasi si Perry, alam n'yo naman na hindi sinasabi sa mga alaga niya ang lahat ng detalye hangga't hindi pa siya 100 percent, or even 95 percent sure.
"So, gusto niya ganoon kasigurado bago namin malaman.
"But yes, this is my last show in GMA—contract-wise.
"Supposedly, three years, 12 shows."




CALLED OUT
ALL COMMENTS
18 malaguku_04444
17 ashsss
16 palengkera
15 alexangel
14 alexangel
13 pwedenarin
12 jazzz
11 iam_brainful
10 sagit127
9 gorgeous_aleck
8 allenick
7 hototguy
6 GlvnteGzon_MagicMagic_EngEng
5 beybong
4 misstoe
3 susanboyle
2 GlvnteGzon_MagicMagic_EngEng
1 iam_brainful