Ogie Alcasid on his three children: "Gusto kong lumaki sila na kinikilala nila 'yon, na magkakapatid sila. I want them to be close as they can."

Photo: Noel Orsal

Anim na araw nanatili si Ogie Alcasid sa Australia upang bisitahin ang mga anak niyang sina Leila at Sarah.

Sina Leila at Sarah ay anak ni Ogie sa una niyang asawang si Michelle Van Eimeren.

Pakiramdam nga ng singer-actor-TV host, tumaba agad siya sa ilang araw niyang pakikipag-bonding sa kanyang mga anak.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ogie kaninang tanghali, January 11, kaugnay ng concert nila ng misis niyang si Regine Velasquez—ang Mr. & Mrs. A.

Gaganapin ang concert sa February 14 sa Araneta Coliseum.

Kuwento ni Ogie, "Actually, summer ngayon doon.

"Nakakatawa nga ang bunso ko [Sarah].

"Kasi, nag-email siya sa akin, 'Dad, these are the things you need to bring.'

"Mga swimming trunks, ganyan, ganyan... Basta, meron na siyang itinerary. 'Okay.'

"E, kasama ko ang kapatid ko, saka ang pamangkin ko.

"Finorward ko sa kanila yung email, so dala naman kami ng pang-swimming.

"E, ang lamig! At umulan!

"So, nasira yung planong pagbi-beach.

"Awang-awa naman ako du'n sa anak ko. Actually, gusto niyang mag-swimming.

"So, ang pinaka-bonding na lang namin, yung shopping at barbecue-barbecue sa bahay. Ganoon lang naman.