Hindi pa alam ng model turned actor na si Victor Silayan—na apo ng late, great actor na si Vic Silayan—kung ano ang magiging next project niya sa TV5 kapag natapos na ang Glamorosa.
Malapit na kasing matapos ang naturang teleserye na pinagbibidahan nina Lorna Tolentino, Alice Dixson, at Ritz Azul.
Naghihintay na lang daw si Victor kung ano ang magiging bagong project niya.
"Whatever TV5 has in store for me, I know that it will be good and it will definitely be another challenge for me," sabi ni Victor nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong Martes, January 10, sa Chef Laudico's Cafe Filipino sa Quezon City.
Dagdag pa niya, "Wala naman akong marereklamo sa TV5 because ever since I started with them, impressed na ako sa mga projects na bigay nila.
"Kaya I know that after Glamorosa, I will be doing another big project for them."
GOODBYE, MODELLING? Tila nakalimutan na nga ni Victor ang pagiging modelo niya dahil mas nagkaroon na siya ng interes sa pag-arte.
Inamin niya noon na wala siyang hilig dito at itinuring lang niyang isang dagdag na pagkakakitaan ang pagpasok niya sa showbiz.
Saad ni Victor, "But now, I look at acting as a serious job. Hindi ito parang naglalaro ka lang.
"No wonder my lolo [Vic Silayan] loved acting and he was very serious with it.
"He wasn't an award-winning actor for nothing, di ba?
"Kaya ngayon, I want to know how far this acting career will take me.
"I want to experiment more on the different characters.
"I want to take up more acting workshops. Para lang ma-improve yung mga alam ko na.
"If possible, I want to try different roles on TV and even sa movies."




0

