Dingdong Dantes plays Ferdinand Magellan in finale episode of Amaya

Rose Garcia
Thursday, January 12, 2012 @ 11:43AM  |  18520 views

 

Dingdong Dantes (in photo) on playing Ferdinand Magellan in Amaya: "It is a great honor to be part of GMA's top show that makes us all proud as Filipinos. Kahit papaano, naging bahagi ako ng kasaysayan dahil sa malawak na naibibigay ng Amaya sa larangan ng entertainment at education. Higit sa lahat, I am so proud of Marian's portrayal as Amaya."

Photo By: Noel Orsal













Isang sorpresa, lalo na sa mga fans nina Dingdong Dantes at Marian Rivera, ang cameo role ng aktor sa final episode ng pinagbibidahang epic-serye ng aktres, ang Amaya.

Gaganap si Dingdong bilang Portuguese explorer Ferdinand Magellan, na ayon sa kasaysayan ay napatay ni Lapu-Lapu sa Battle of Mactan noong 1521.

Mapapanood ang paglabas ni Dingdong sa huling episode ng Amaya bukas ng gabi, January 13.

Pero bago ito, naging malaking sorpresa rin ang muling pagtatambal nina Dingdong at Marian sa upcoming GMA-7 primetime series na My Beloved.

Ito ay matapos palitan ni Marian ang orihinal na leading lady ni Dingdong sa serye na si Rhian Ramos—na nagdesisyong magpahinga muna sa showbiz sa gitna ng kontrobersiyang kinasasangkutan nito bunsod ng breakup nila ni Mo Twister.

Kung hindi ito nangyari, wala pa sanang kasiguruhan kung kailan magkakaroon ng katuparan ang hiling ng fans nina Dingdong at Marian na muli silang magtambal.

Pero sa pagtatapos ng Amaya, tila may patikim na ang DongYan—kilalang tawag sa loveteam nina Dingdong at Marian—sa kanilang mga tagahanga at manonood.

Noon pa man, kapag tinatanong si Dingdong kung okey sa kanyang mag-guest sa Amaya, positibong tuwina ang sagot niya. 

At ngayon nga, sa pagtatapos ng Amaya, ay natuloy ang inaasam noon ng marami na magkaroon siya ng guest role dito.     

Sa pamamagitan ng text message ay nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Dingdong kahapon, January 11.

Tinanong namin ang aktor kung paano nabuo ang guest role niya sa Amaya.

Ayon kay Dingdong, na may dugong Español, hindi talaga planado ang pagge-guest niya bilang Ferdinand Magellan sa show. 

Nabanggit lang daw ni Marian sa kanya ang magiging pagtatapos ng Amaya.

Ani Dingdong, "Marian mentioned to me the final scenes. As a gesture to show support, I offered to do the cameo for Ferdinand Magellan."

Bukod sa pagpapakita ng suporta sa girlfriend, ipinagmamalaki rin ni Dingdong na kahit paano ay naging bahagi siya ng Amaya.

1  2  Next »

Related Articles

63 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name