Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Marian Rivera, itinanong namin sa kanya kung ano ang opinyon niya sa mga artistang lumilipat sa ibang istasyon.
Nauuso kasi ngayon ang lipatan—o rigodon—sa mga artista, lalo na't nagiging mahigpit ang kumpetisyon ng tatlong pinakamalaking networks sa bansa—ABS-CBN, GMA-7, at TV5.
Ayon kay Marian, "Alam mo, minsan mahirap ding mag-judge dun sa mga lumilipat at lilipat, kasi hindi mo alam kung ano'ng offer sa kanila, kung doon ba magiging mas maganda yung buhay nila.
"Hindi naman siguro ibig sabihin na yung mga lumipat, walang utang na loob.
"Siguro magiging mas maganda yung buhay nila.
"At yung mga ganun, dapat nirerespeto din natin.
"Kasi ako naman, hindi ko naman alam kung ano ang mga kontrata nila, so depende pa rin 'yan.
"Siguro huwag natin silang i-judge, di ba?
"Mahirap mag-judge, mahirap magsalita ng tapos.
"So, tingnan na lang natin.
"Pero ako, hindi ko dyina-judge yung mga lumilipat.
"Siguro may dahilan at merong mas malaking pagbabago sa buhay nila, na mas magiging maganda siguro kaya ginagawa nila yan."
Sa kaso ni Marian, masaya raw siya sa kinalalagyan niyang istasyon ngayon—ang GMA-7.
Sa Kapuso network ay kinikilala siya ngayon bilang "Primetime Queen."
Sabi nga ni Marian, "E, 'susmaryosep naman! Lahat na lang ibinigay na sa akin, hindi pa ba ako magiging happy?"




0

