Sa pagtatapos ng Amaya bukas, January 13, tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Sheena Halili kung ano ang hindi niya malilimutang eksena sa epic-serye na ito ng GMA-7.
Gumaganap si Sheena bilang Ahak, ang kaibigang uripon ng bidang si Marian Rivera, sa Amaya.
Pag-alala ni Sheena, "Yung first eksena ko na naka-topless ako. Sobrang umiyak ako, umiiyak ako palagi.
"Tapos may eksena ako, itutulak ko yung baroto, yung bangka.
"E, siyempre pag nagtulak ka, parang medyo nakayuko ka, so yung buhok mo, hindi nakadikit iyon."
Nakitaan daw si Sheena sa eksenang iyon.
"Oo!" bulalas ng young actress.
"Yung mga cameraman tsaka si Direk Mac [Alejandre] na lang yung nag-a-adjust.
"Kasi mahirap kung iyon na lang ang iisipin mo palagi sa tuwing aarte ka, e.
"Iisipin ko lang na mas nakakaarte ako ngayon kesa noon.
"Kasi hindi ko na iniisip yung kilos ko, hindi ko na iniisip yung kamay ko kung saan ko dadalhin, hindi ko na iniisip yung buhok ko kung hanginin man 'yan.
"Dati, lagi talaga akong nag-iingat."
Dagdag pa ni Sheena, "May mga eksena pa ako na kami nina Mikael [Daez], nina Dion [Ignacio], nina Pancho [Magno], maglalagay ako ng saging sa may itaas.
"E, siyempre kailangan kong itaas yung kamay ko.
"Pagtaas ko talaga ng kamay ko, nakita talaga yung dito ko [dibdib].




0

