Alessandra de Rossi receives an award in her hometown in Italy; takes a fall in fight scene with Lovi Poe on Legacy

Rommel Gonzales
Friday, January 13, 2012 @ 07:25AM  |  499 views

 

Alessandra de Rossi on why she will not fall for an actor again: "Kasi hindi nila matanggap na mas magaling ako sa kanila, nai-insecure sila. Hindi nila matanggap na mas malaki ang suweldo ko sa kanila. E ano ang magagawa ko, di ba, e, pinaghirapan ko naman yun, 'no!"

Photo By: Noel Orsal













Sa Italy nag-Pasko at Bagong Taon si Alessandra de Rossi.

Kuwento niya, "Masaya! Three weeks ako dun. Tumanggap ako ng award dun.

"Meron silang ibinigay sa akin na award na parang mga...na taga-probinsiya naming nagbigay ng karangalan all over the world, yung mga ganun lang.

"Kumbaga, parang region namin... Kumbaga sa Bisaya, one of the Visayans ako na nabigyan ng award.

"Puglia, iyon yung region namin.

"Ang award ko, parang taga-Puglia of the World, parang ganun."

Ang ama ni Alex (palayaw ng aktres) ay Italian, si Luigi Schiavone. Pinay naman ang ina niya na si Nenita Tiotangco.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Alex sa presscon ng bagong primetime series ng GMA-7 na Legacy noong January 11 sa Studio 7 ng GMA Network Complex.

Parang achievement award ba iyon?

"Oo, parang ganun nga, oo.

"So, mga kasama ko mga doktor na taga-Washington, ganyan; ako, mga player ng soccer...

"So, sila ang nagbayad ng tiket ko. Kasi kung hindi nila binayaran yun, wala naman akong pampunta dun, 'no!

"Wala nga akong panghanda nung Pasko, 'no, pancit canton lang!" natatawang biro ni Alex.

Marunong pa rin ba siyang mag-Italian?

"Oo naman, pag nandun, bigyan mo ako ng mga three days, nare-refresh na."

1  2  3  4  5  6  7  Next »

Related Articles

19 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name