Sa presscon kahapon, January 12, para sa "dragon finale" ng My Binondo Girl, bukod sa magka-loveteam na Kim Chiu at Xian Lim ay naging sentro rin ng atensiyon si Richard Yap.
Si Richard ay mabilis na nakilala bilang "Papa Chen" sa nabanggit na primetime series ng ABS-CBN.
Unang napansin si Richard bilang chef sa TV commercial ng isang Chinese fastfood chain.
Kasunod na nito ay ang break na ibinigay sa kanya ng ABS-CBN sa My Binondo Girl.
"I'm 44 years old, married, and has two kids," pagpapakilala ni Richard sa sarili nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media sa presscon.
Dagdag pa niya, "I'm very honored na mapasama sa cast ng My Binondo Girl.
"Especially naging partner ko pa rito sina Cherry Pie [Picache] at Ai-Ai [delas Alas].
"Parang I'm nobody, 'tapos nagkaroon agad ng chance to work with really big and popular stars."
"PAPA NG BAYAN." Dahil mabilis siyang nakilala at marami nga ang kinikilig sa kaguwapuhan niya, binabansagan siya ngayon bilang "Papa Ng Bayan."
Ano ang reaksiyon niya rito?
"It's really very flattering na kinu-consider akong gano'n at my age," nangiting sabi ni Richard.
Sa mabilis na pagsikat niya, naisip ba niyang sana ginawa niya noon pa ang pagpasok sa showbiz? Lalo at nag-start siya bilang commercial model no'ng binata pa siya?
"Uhm, hindi, e. I think it came to me at the right time.
"Siguro if I was younger, I wouldn't be able to handle this also. Parang gano'n.
"Parang I wouldn't be as level-headed as I am now.




CALLED OUT
ALL COMMENTS
27 cheenosky
26 gibraltar
25 amphipolis
24 wallflower
23 penguin60
22 bessie31
21 malaya2007
20 agiladlad
19 kapusohater
18 grazildachuvastra
17 r2kin2
16 Prd2bpnay8
15 Johann29
14 ellenbermu
13 Manster10
12 cherchezlafemme
11 cherchezlafemme
10 gossip90
9 cherchezlafemme
8 pepato
more comments