Viva and TV5 talent Meg Imperial enjoys kontrabida roles; says she's not the type of Bagets co-star Aki Torio

Ruel J. Mendoza
Friday, January 13, 2012 @ 09:55AM  |  5514 views

 

Meg Imperial on why she still has no boyfriend: "Gano'n yata talaga kapag ang focus mo ay ang trabaho. Gusto ko ng walang distractions kasi kaya hindi priority ang lovelife. May mga gusto namang manligaw, pero ako na ang nagsasabi na maging friends muna kami kasi hindi ko sila mae-entertain."

Photo By: Courtesy of TV5













Sa January 20 ay magdiriwang ng kanyang 19th birthday ang Viva contract star at TV5 talent na si Meg Imperial.

Wala raw plano si Meg na magkaroon ng malaking celebration dahil may taping daw siya sa araw na iyon.

Sabi ni Meg, "Baka sa taping set na lang ng Glamorosa ako maghanda.

 "Para naman pati yung mga kasama ko sa taping ay makasama sa ihahanda ko.

"Hindi naman ako mahilig sa malaking party, e.

"Tama na yung nai-celebrate ko kasama ang family at mga kaibigan ko."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Meg noong January 10 sa Chef Laudico's Casa Filipino restaurant.

FRUITFUL 2011. Very thankful si Meg dahil sa magandang projects na nagawa niya noong 2011.

Bukod sa Glamorosa, ginawa ni Meg last year ang Bagets: Just Got Lucky (na naka-three seasons na), The Sisters, Midnight DJ, Pidol's Wonderland, at Hey, It's Saberday.

Saad nga niya, "Sobra akong nagpapasalamat kay God dahil naging maganda ang takbo ng career ko last year.

"Dahil sa mga shows na ginawa ko, may malaking ipon na ako at nakapundar na ako ng ibang ilang gamit sa bahay.

"Nakabili na rin ako ng bagong sasakyan na gamit ko sa tapings.

"Ako na rin ang bahala sa mga gastusin namin sa bahay. Natuto na akong mag-ipon dahil na rin sa mommy ko.

"Lahat ng talent fees ko, si Mommy ang humahawak at nagtatago sa bangko.

"Humihingi lang ako ng panggastos ko kapag may taping ako.

1  2  3  4  Next »

Related Articles

Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name