Governor Chavit Singson on son Ronald: "Mabait naman, nagkamali lang siya dahil nagtiwala sa mga kaibigan. Yun ang pinagsisihan niya, sobra siyang nagtiwala sa mga kaibigan niya. Nagpabaya, kaya siya nasangkot sa kasong yun."

Photo: Nerisa Almo / Noel Orsal

Pagkatapos ng halos 18 buwang pagkakakulong sa Hong Kong sa salang illegal possession of drugs, makakalaya na si dating Ilocos Sur  Representative Ronald Singson bukas, January 14.  

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Governor Chavit Singson, ama ni Ronald, sinabi nitong siya mismo ang susundo sa anak sa Hong Kong bukas.

Ayon kay Governor Chavit: "Sasamahan ko dito, then uuwi agad siya sa probinsiya [Ilocos Sur].

"Ang gusto niya, i-explain muna sa constituents niya ang mga nangyari.

"Dahil ang gusto niyang i-explain ay yung pag-amin niya. In-avoid niya kasi yung five-years-to-life sentence.

"Kasi, kung ilalaban niya, ang sabi sa kanya ng abugado, 'Puwede nating ilaban, pero delikado, five-years-to-life sentence. Pero kung aaminin mo, gagaan.

"Sabi nga ni Ronald, 'Paano ko aaminin, e, hindi naman yun [cocaine] sa akin?'

"'Kung hindi sa iyo, e, nahuli sa iyo? Carrier ka, mas mabigat.

"'So, kung aaminin mo, mas madali, masesentensiyahan ka agad.'

"Katulad nun, one year, six months, or 18 months...wala pang dalawang taon, lalabas na siya.

"Pagkatapos nun, aasikasuhin niya ang mga negosyo niya."

Hindi raw bumitaw ang pamilya Singson kay Ronald sa kabila ng kasong kinaharap nito.

Hindi rin itinago ni Governor Chavit ang saya at excitement na finally ay makakalaya na ang anak.

"Well, excited kaming lahat dahil mula nung nagkaroon siya ng sentence, hindi na namin siya nakita.